Chapter 16

9.3K 136 2
                                    

NAALIMPUNGUTAN ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kinapa ko ang katabi ko kung mayron pa pero wala na pala akong katabi. Simpre magaling na iyon kaya nang - iiwan na naman.

Tumingin ako sa pambisig kong orasan at napabalikwas ako ng bangon dahil alas-unse na pala ng tanghali.

"Oh, Jesus!" gulat na wika.

"It's already 11 o'clock na. Malapit na palang maglunch time," bulaslas ko at nagmadali pumunta sa bathroom upang maligo.

It's been long time na ngayon lang naman maganda ang tulog ko. Pumikit ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko. Tumingala  ako at hinarap ang mukha ko sa shower at yumuko. Tinitigan ko ang tubig na nahuhulog sa floor at pagkatapos hinilamos ang mukha ko. Nagsabon na ako at nagshampoo at pagtapos kong magbabad sa tubig ay tinapos ko na ang pagligo ko. Kinuha ko ang towel at pinulupot ito sa ibabang parti ng katawan ko at ang isang towel namin ay pinampunas ko sa buhok ko pati sa katawan ko bago lumabas sa bathroom.

Natapos na akong magbihis nang tinungo ko ang kusina para ma check kung nagluto siya o hindi pero wala pang naluluto kaya hinanap ng mata ko si Bella sa loob ng bahay pero ni anino niya ay wala. Lumabas ako sa bahay at umiling na lang ako ng makita ko siyang nasa dagat na naman.

Nagbuga na lang ako ng hangin at bumalik sa loob at kumuha ng robe at lumabas ulit. Kampanti siyang walang tao dito kaya naliligo na lang siyang hub*t hub*d.

"Bella!" tawag ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin pero hindi  aman iyan magugulat dahil sanay na siya.

"Umahon kana diyan?" Utos ko sa kaniya pero wala siyang narinig dahil lumangoy pa siya palayo.

"BELLA!" sita ko sa kaniya. Umahon siya at ngumiti. hinihintay siya umahon.

"Mamaya na Levi. Ang sarap pa ng tubig eh," sagot niya at lumangoy na naman siya. Hinintay ko siyang umahon dahil kagagaling niya lang sa sakit kagabi tapos ngayon ang tigas na naman ng ulo niya.

"Kapag ikaw nakita ng iba iyang katawan mo humanda ka sa akin! Hindi na talaga kita mapapatawad!" galit na sabi ko. Umahon na siya pero ang mukha naman ay hindi ma drawing.

Lumapit siya sa akin habang nakasimangot ang mukha. Sinuot niya ang robe na hawak - hawak ko at pinaikotan ako ng mata.

"Ang KJ mo," sabi niya habang tinatali ang robe niya.

"Don't try to seduce me my Lady dahil hindi  mangyayari ang gusto mo," saad ko at tinalikuran na siya.

"Ang OA mo kasi. Ang arte-arte mo. Nan-didiri ka sa akin. Samantalang kinakasama mo naman ako sa bahay mo," sabi niya kaya humarap ako sa kaniya.

"Kung hindi mo sana ako niluko masaya na sana tayo ngayon Anya Belle, " sagot ko din sa kaniya.

"Kung nakinig ka lang sana sa akin Levi. May anak kana sana ngayon," sabi niya. Siningkitan ko siya ng mata at pero baliwala rin naman sa kaniya. Kaya seryoso ko siyang tinignan sa mata.

"I will not touch you because your bestfriend touched you. Bali-baliktarin mo man Bella, nagtaksil ka sa akin. Niloko mo ako! Niloko niyo ako! " Diin kong sagot  at iniwan na siya doon.

Huminga ako ng malalim at lumingon sa kaniya. Nakita ko siyang pinunasan niya ang mga mata nito. She's crying dahil kasalanan niya naman lahat-lahat pati properties namin at savings namin dinali niya.

"Wag mo akong iyakan! halikana't kumain na tayo," Sigaw ko dahil malayo na din ako sa kaniya. Patakbo siyang lumapit sa akin at inabot ang kaliwang kamay ko.

"You wearing, this?" ngiting tanong niya. Kanina umiiyak pero ngayon nakangiti na naman.

"Natural akin kaya ito," sagot ko kaya mas lalong umaliwalas ang mukha niya at nagbigay ng pagkaasa dahil sa nakita niya.

"Give me my..." Hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin dahil sumigaw siya.

"ARAY!" hiyaw niya. Atomatic akong napa tingin sa paa niya dahil umupo na siya sa buhangin.

"Jesus Bella!" inis na sabi ko at binuhat siya.

"Oyy!"  Kilig na pang-aasar niya at nilaro ng daliri niya ang nakalagay sa kwentas ko.

"Concerned," sabi niya pa. Huminto ako at tinignan siya ng masama kaya umiwas siya ng tingin.

"Katatapos mo lang nagkasakit at heto na sugatan ka na naman!" paninisi ko sa kaniya. Inupo ko siya sa ibabaw ng mesa at seryosong inangat ang paa niyang naka-apak ng shell.Umaawas na ito ng dugo dahil nahiwa talaga ang paa niya.

"Pwede naman kasing magslippers ka papunta doon sa  pampang bakit ka pa nag-paa-paa?" sermon ko. Iniwas ko siya sa kusina at pumasok sa kwarto para kunin ang medicine kit namin at pagkatapos ay bumalik rin ako sa kaniya.

"Dami mong sermon. Hindi mo rin naman ako matitiis," wika niya noong nakita niya akong papalapit sa kaniya.

"Give me my..."

"BELLA!" hindi ko na pinatapos ang gusto niyang sabihin dahil sinita ko na siya.

"Okey fine," paawit niyang tungon. Ginaya niya pa talaga ang tuno ni Elsa sa Frozen.

Nilinisan ko ang paa niya at  nilagyan ng gamot bago ko nilagyan nh gauze pad. Mahirap na baka ma-infection ito. Naramdaman kong nakatingin lang siya sa akin kaya hinayaan ko na lang siya.

"Hanggang kailan mo ako titiisin?" she seriously asked.

"Hanggang kailan mo sasaktan ang sarili mo? Pinakulong mo na ako Levi. Kailan mo ako mapapatawad? "sunod-sunod na tanong niya.

"At kailan ka handang makinig sa akin," tumingin ako sa kaniya mga mata.

"Kung makikinig ba ako mababalik mo ba ang nakaraan? Kung papatawaran ba kita maiibsan ba ang sama ng loob at sakit na binigay mo?" balik kong tanong sa kaniya.

"Just give me one reason, Bella?"

"Isang rason lang," sabi ko sa kaniya.

"Because your mine Levi. Akin ka lang!" matapang na sagot niya.

"I'm yours ,when?!" tanong ko sa kaniya at tinuro ang sarili ko.

"Kailan iyon, Bella?"

"T*ng-ina! Kailan?! " galit na sabi ko.

"Kailan iyon ha?! Kailan iyong hindi deal ang lahat?"

"Kailan iyong nasabi mong sa iyo ako? Kailan iyong hindi mo ako niloloko?"

"Kailan iyong hindi pilit na pagmamahal? Kailan iyon Bella!"

"Sige nga sabihin mo sa akin!" sumbat ko sa kaniya.

"Makinig ka lang sa akin Noah. Pakinggan mo ako," Iyak niyang sagot.

"Makinig? Anong ipapaliwanag mo ang pagtataksil mo?!" seryosong tanong ko.

"Kahit kailan hindi ako ng taksil sa iyo. Kung may kasalanan man ako sa iyo iyon ay ang pag deal ko sa relationship natin at ang pagkuha ko ng malaking pera sa account natin!" sabi niya habang umiiyak.

"D-Dahil nagipit na ako noon. A-Alam kong mali. A-Alam ko iyon," Utal-utal niyang sabi at pinunasan ang luha niya.

"Pero natakot akong hiwalayan mo ako dahil lang sa Deal na iyon. Natakot ako Noah Lev, Natakot ako," sabi niya habang pinupunasan ang luha niya.

" You can refer me. I'm your husband."

"Asawa na kita noon. Bakit hindi mo ginagawa?" tanong ko sa kaniya. Wala akong makialam sa pera dahil mahahanap iyon. Ilan lang naman iyong nalabas niya noon 20 millions, I'll think pero hindi niya sinabi. May tiwala ako sa kaniya pero binaliwala niya ako na asawa niya dahil wala siyang tiwala sa kakayahan ko.

Pero nawala ang TRUST. Ang tiwala ko sa asawa ko. Dag-dagan pa ang vediong pakikipagsiping niya sa lalaki niya  na nagbigay ng dahil upang magalit ako at hindi ko na mahanap ang puno't dulo ng lahat.

Hindi ko maayos...Kaya masakit sa akin iyon!

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Where stories live. Discover now