Chapter 1

16.7K 270 7
                                    

"Mendez, may dalaw ka!" sigaw ng jail guard sa akin kaya napabalikwas ako ng bangon.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas sa aking selda at tinungo kung saan ang visitations Area. Luminga-linga pa ako dahil hindi ko alam kung sino ang dadalaw sa akin.

Ngumiti ako dahil ang bestfriend kong si Jessie pala. Akala ko nextweek pa siya makakadalaw dahil busy siya. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit.

"Akala ko hindi ka dadalaw ngayong week?" tanong ko at umupo sa harapan niya.

"Na miss kasi kita kaya dumalaw na ako, " sagot niya.

"Kumusta kana dito? Kamusta ang pakikitungo nila sayo? Baka sinasaktan kana nila? " sunod-sunod na tanong niya. Huminga ako ng malalim dahil okay lang naman ako.

"Okey lang ako. Nasanay na Jess dahil matagal-tagal na din akong andito, " sagot ko habang pinag lalaruan ang mga kuko ko.

"Kumusta sila mamang at papang pala?" tanong ko dahil ang huling balita ko kasi sa kanila ay bumalik na sila sa probinsyano.

Mahirap ang buhay sa Manila. Lalo't hindi ko na sila matutulungan sa financial status nila. Namimis ko na din sila dahil isang beses lang silang dumalaw sa akin sa isang taon pero wala akong magawa.

"Okey naman sila. Nakakaraos din at hindi ko naman sila pinapabayaan. Dinadalaw ko sila paminsan-minsan," sagot naman niya kaya napatango ako.

"Anya?" tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

"I'll try to talk to Attorney Sebastian pero hindi niya man lang ako hinarap, " inporma niya sa akin.

"Ano bang nangyari? Naramdaman ko kasing mas malalim pa ang galit niya sa iyo at pati sa akin? " tanong niya.

"Anya? Please talk, dahil siya lang ang pag-asa mo para makalabas ka dito at wala ng iba pa, " dugtong niya pa.

"Hayaan mo muna siya. Gusto niya akong mabulok dito, " sagot ko at nag-iwas ng tingin dahil may rason na kinagalit si Attorney sa akin.

"May hindi ka sinasabi sa akin. Paano kita matutulungan yan?" tanong niya pero umiling ako.

"Jessie, kahit sabihin ko sayo lahat. Hindi ka kakausapin ni Levi. Hindi siya makikinig sayo at hindi niya ako palalabasin dito dahil galit siya sa akin, " sagot ko sakaniya.

"Iyon na nga eh, galit na siya sayo noon pa kahit hindi pa nangyari ang trahedya sa pinsan mo, " sabi niya sa akin.

"Hayaan mo na siya Jess. Siguro nga ito na ang kapalaran ko. Ginagawa ko naman ang lahat, eh! " sagot ko.

"I know you Love him hanggang ngayon Anya Belle pero hindi ko lubos maisip na ganito ang gagawin niya sayo," nagugulohan sabi kaya tumawa ako ng mapaiyak. My tears falling down habang pinaglalaruan ko ang mga kuko ko.

"He's not here Anya, nasa U. S ata siya dahil iyon ang information na nasagap ko. He's studying again and working, "inporma niya kaya tumango-tango na lang ako.

"Salamat pala sa pagbisita Jess, " pasalamat ko.

"Walang anuman para na tayong magkapated."

"Pakamusta mo na lang ako sa mga magulang ko, tapos wag mo na din akong masiyadong bisitahin baka nakaka-estorbo na ako sayo. Kailangan mo na din maghanap ng babaeng mamahalin mo, " ngiting sabi ko sa kaniya.

"I have and don't you worry. Kapag makalabas ka pakikilala ko sa iyo, " masayang sagot niya kaya tumango - tango ako. Kung makakalaya pa ako rito.

"Malabo na ako makalabas, alam mo yan," malungkot na sagot ko.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Where stories live. Discover now