Chapter 10

10.6K 138 2
                                    

Anya Belle

NAALIMPUNGUTAN ako at nag-inat ng naramdaman kong may kumot ang katawan ko kaya mas lalo akong nakumbinsing matulog dahil alam kong nasa sasakyan ako at... Wait? Tanong ko sa isip ko at inunat ang mga paa ko. Kumot, comfortable may unan na din at foam ang hinihigaan ko. Wala ako sa sasakyan kaya minulat ko ang mga mata ko at napabalikwas ng bangon.

The room is color white malawak ang kwarto at malinis din tignan.

"Where I am?" tanong ko. Alam kong hindi naman ito hospital. Purkit white color hospital na agad? Sabi ng isip ko. Bumaba  ako sa kama at may white slippers naman nakaready kaya sinuot ko ito.

"Puti na naman, " bulaslas ko at inayos muna ang higaan dahil nakakahiya naman.Kung ako ang mag-iisip nasahotel ako dahil ang style ng kwarto ay parang hotel na mamahalin. Design ito ni Archetict Lauter at gawa ito ni Engr.Adam sigurado ako. Huminga ako ng malalim at tinungo ang pintuan palabas sa kwarto. Wala naman akong taong makita sa sala kahit nga ang kasama ko sa sasakyan ay hindi ko rin mahagilip.

Patakbo akong lumabas nong marinig ko ang mga hampas ng alon. Doon ko na pagtanto nasa malapit lang kami sa dagat. Bumungad ang amoy ng dagat at ang simoy ng hangin sa balat ko kaya na papikit ako dahil tama nga ang hinala ko. May sumalubong sa akin babae sa tansya ko kasing edad ng nanay ko kaya ngumiti ako.

"Magandang tanghali po," magalang na bati ko at yumuko pa.

"Gandang tanghali naman hija," sagot niya at pumasok na sa loob ng bahay.

"Pwe-pwede po bang magtanong?" tanong ko kay manang. Sumunod kasi ako sa kaniya papasok rin sa loob ng bahay.

"Ano iyon hija?" sabi niya din at nilapag ang dala-dalang basket sa mesa.

"Asan po si Noah?" tanong ko.

"I mean Atty. Noah, po?" inulit ko lang naman.

"Bumalik na sa mansion hija, " sagot niya at isa-isang nilabas ang mga isda at nilagay sa lababo.

"Ganon po ba," malungkot na sabi ko dahil alam ko na ang gusto niyang mangyari.Ikukulong niya na naman ako dito sa Isla.

"Nasaan lugar po tayo manang?" tanong ko ulit kay mananv. Habang tinutulungan siya sa ginagawa niya.

"Nasa  private property Isla tayo anak dito sa Batanes hija pero ang Islang ito nasa gitna at ang islang malapit  naman kay Sir. Isaiah Jacob, " inporma niya  kaya ako naman tumango-tango na lang.

"Doon ko sa labas yan nilinisan dahil may dirty kitchen doon. Ayaw kasi Ni Atty.Noah na dito sa loob mag-linis kapag isda."

"Okey po manang, " sagot ko na.

"Walang pumupunta dito dahil malayo kaya naman ng bangka pero walang sumusubok. chopper ang ginagamit ni Noah."

"Wala na  talaga akong kawala kung gano'n," bulaslas ko.

"Ano pong pangalan niyo  manang?" magalang na tanong ko.

"Tawagin mo na lang akong manang Aida  kasi iyan ang tawag sa akin ni Atty. Noah, " sagot niya.

"Manang gusto ko po sanang maligo sa dagat kaso wala naman akong susuotin. Wala po bang pumapasok talaga dito na tao?" paninigurado ko.

"Wala anak. May gamit ang girlfriend niyang namayapa dyan kung gusto mo hiramin mo na lang, " sabi niya.

"Nakapunta na din pala dito ang Girlfriend niya manang?" inulit ko lang para mas masakit pa sa sakit ng dulot ng kahapon ko. Mga dicision kailangan gawin para sa buhay ng tao. Sakit ng nararamdaman. Na immune na ako sa sakit kaya basic na lang ito.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon