Chapter 33

5.7K 84 0
                                    

Pumikit ako at sinandalang katawan ko sa pader. Kung may hihilingin ako ngayon sa Panginoon ay ang buhay lang ng asawa ko. Pinunas ko ang tumutulong luha ko sa mga mata ko habang nakapikit ako. Alam ko naman na hinahayaan lang nila ako. They all quite and watching me.

"Dada," rinig kong tawag sa akin ni Lev.

Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kaniya. His eyes like his father. It's so beautiful. Ganiyan rin ba sana ang baby ko? Ang mga mata niya rin ba mala sa akin? Nagmana rin ba siya sa akin kung hindi lang siya nawala? Paano ko malalaman kong hindi ko siya masisilayan sa mundo?

Mas lalo pa ata akong nasasaktan nito dahil I am dreaming with my baby. Ang sakit sa dib-dib parang ginipiga ang puso ko. Ano ba ang ginawa kong mali? Bakit ang sakit naman ng balik? Mga tanong sa isipan kong hindi ko masasagot. Huminga ako ng malalim para kahit papaano maginhawa ako sa naramdaman ko because I am super devastated.

"Pati ikaw andito rin?" takang tanong ko sa kaniya. Tumango siya at tinaas niya ang dalawang kamay niya kaya alam ko na ang ibig niyang sabihin magpapabuhat siya. Kaya yumuko ako at binuhat siya at yumakap naman siya sa leeg ko.Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya. Hindi ko mahahawakan ang baby ko ng ganito, hindi ko mayayakap o mahahalikan kahit maparamdam man lang na mahal na mahal namin siya ng ganito. Hinding-hindi mangyayari iyon, sabi ko sa isip ko kaya napahagulgol naman ako sa maliit na katawa ni Axlev.

"Andito pa naman ako ang unang baby mo diba?" sabi niya sa akin kaya hindi muna ako nagsalita at nakayakap lang ako sa kaniya habang pinapahupa ang nararamdaman ko.

"Of course. Pangalawa lang naman si baby in heaven dadd. Mas mahal pa rin ang una, " pan lalambing niya sa akin kaya mas lalo akong napahagulgol ulit sa balikat niya sa sanabi niya.

"Jesus Christ!" bulaslas ko.

"Of course, I - - love you," utal kong sagot sa pamangkin ko dahil nahihirapan akong magsalita.

Lev is a spoilled brat mapa sa akin man, mapa kay lolodad niya kahit sa Family ni Adam siya kasi ang panganay dapat siya pa rin ang palaging mahal na una. Pag may pangalawang baby ay dapat pangalawa lang din, iyon ang dilemma niya.

"Magkakababy pa naman kayo ulit ni titamama dada,eh. Like pappa at mamma, " sabi niya pa sa akin at tumingin sa mga magulang niya na nag-aalalang nakatingin rin sa amin.

"Pero Adam Axlev Lorenzo pa rin dapat ang mas mahal kung sakali dahil ako panganay," maawtoridad niyang sabi.

"Ako oa rin ang panganay dada, ako pa rin ang mas mahal," pa ulit-ulit siyang sa akin kaya napangisi na ako dahil si Axlev ito ay gumagaan na ang pakiramdam ko buti talaga andito pa ito ngayon.Ang mga kasamang namin dito tumawa rin sa narinig nila na sinabi ni Lev pati ang magulang ni Bella.

"Can you just stay and hug tight Dada for a while?"sabi ko sa kaniya at tumango naman siya at niyakap ako ng mas mahigpit.

"Por favor, no estés triste porque Lorenzo todavía está aquí," sabi niya sa akin sa Spanish Language kaya tumango na lang ako sa kaniya. Ayaw niyang malungkot ako dahil andito pa naman daw ang Lorenzo.

"I love you, Dada!" rinig kong sabi niya pa sa akin kaya napangiti ako sa kaniya. Kanina ngisi ang ginawa ko ngayon ngiti niya dahil alam kung may hihingiin itong kapalit.

"Yang I love you mo Lorenzo may kapalit!" saad ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.Tumawa siya na parang kinikilig sa sinabi ko sa kaniya.

"May gustong ipabili iyan sa iyo."

Si Adam na ang sumagot sa sinabi ko kaya hindi na ako magtataka mayro'n talaga siyang ipapabili. Huminga ako ng malalim at umupo sa upuan dahil napapagod na rin ako sa pagtayo at pag-iyak. Pinaupo ko si Lorenzo sa kandungan ko at niyakap ulit siya ng mahigpit.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon