Chapter 39

4.8K 74 0
                                    

PAGKATAPOS ng sagotan namin ni Noah at dalawang linggo na ngayon. Dalawang linggong ni anino ni Noah hindi na nagpakita o nagparamdam man lang sa akin. Ayaw ko naman tanongin ang nanay ko dahil nahihiya ako. Alam kong nag-usap sila pero nahihiya akong tanongin kung anong napag-usap nila bago ito. Tinignan ko muna ang cell phone ko at nagbaba saka sakaling nag message o tumawag siya pero na bigo ako at na dismayang bumangon dahil wala talaga.

Tama siya sinasaktan ko lang ang sarili ko dahil minamiss kona siya. Gusto ko na siyang makita. Bakit ba kasi ang dami-daming pangyayari sa buhay ko? Bakit iyong ala-alang importante pa ang nawala sa akin. Bakit iyon kay Noah pa.

Ganito na lang ang routine ko sa bahay. Hindi na rin ako lumabas dahil nawalan na ako ng gana. Lumabas ako sa kwarto at tumungo sa kusina. Nagtimpla ako ng kape ko at umupo sa upuan ko.

"O anak. Gising kana pala, " saad ni mamang sa akin kaya tumingin lang ako sa kaniya at tumango. Gusto ko ng magtanong kung tumatawag ba sa kaniya si Noah pero nahihiya ako.l dahil  narinig niya mismo ang sinabi kong gusto ko ng makipaghiwalay.

"Andito kanina si Drew at tinatanong ka," inporma niya. Wala akong ganang lumabas dahil tinatamad ako.

"Ano po ang sabi niyo?" tanong ko.

"Sabi ko ay natutulog ka pa anak at babalik na lang siya mamayang tanghali dahil siguradong gising kana, " sagot niya.

"Sana hindi niyo na pinabalik mang dahil baka madatnan siya ni Noah dito. Kasalanan ko na naman, " sabi ko para ma-open ko si Noah. Ngumiti siya sa akin kaya kinabahan ako tapos simpre nagtaka ako. Ako na  siguro ang kinakampihan niya ngayon natural lang naman dahil ako ang anak niya.

"Wala naman si Noah anak, " sabi niya  kaya na palunok na sa kaba. Paanong wala? Naririnig ko tuloy ang bilis na tibok ng puso ko.

"Hindi mo ba napapansin wala ng nagbabantay sa iyo. Wala ng mga tauhan niya diyan sa labas."

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa informations sa akin ni Mamang. Isa lang ang ibig sabihin malaya na akong kumilos kapag wala ng nagmomonitor sa akin. Ito naman ang gusto ko ang maging malaya kaya siguro naisip niya na din palayain ako. Asan kahay siya bakit wala ang pagkakasabi ni Mamang? Tanong ng isipan ko.

"Baka andiyan  lang po iyan siya  mang. Susulpot na lang bigla, " maawtoridad na sabi ko.

"Nasa America si Noah ngayon anak at dalawang linggo na," sabi niya. Napalunok ako at napayuko.

"Sinabi niya sa akin na aalisin niya na ang mga tauhan niya dito sa bahay at nagpaalam na may tatanggapin siyang kaso do'n no'ng  tapos na kayong nag-away. Mas mabuti na rin daw para mahanap mo ang sarili mo, " rinig kong sabi ni mamang.

Tumingala ako dahil kusa ng tumulo ang mga luha ko bakit ang sakit na naman ang naramdaman ko. Diba ito naman ang gusto ko ang maging malaya? Binibigay niya na nga dapat masaya ako pero bakit parang nahihirapan pa ako at ako pa ang argrabyado? Bakit hindi man lang siya ng paalam sa akin at kailan na naman kaya siya babalik? Tanong ng isip ko.

Isang buwan o subra sa isang araw ang isang buwan niyang paalam... katulad dati?

"Isang buwan, "bulaslas ko dahil iyon ang pinapaalala ng alaala ko.

"Oo anak. Isang buwan daw siya doon, " sinasagot naman ako ni mamang kaya tumingin ako sak aniya. Nagtataka man ako dahil hindi naman buo ang pinapaalaala ng alaala ko. Mahirap dahil nanghuhula tuloy ako.

"Subra sa isang araw ang isang buwan niya doon, " sabi ko at tumayo na. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi kaya mabilis kong tinungo ang kwarto ko.

Kinuha ko ang cell phone ko at agad-agad na tinawag siya. Umaga naman ngayon gabi do'n sa America. Sumimangot ako dahil hindi naman siya sumasagot sa tawag ko wag niyang sabihin pati ganitong oras nagbabasa pa rin siya kaya sinubukan ko ulit siyang tawagan.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon