Chapter 7

11.4K 172 5
                                    

"Magpahinga kana Jessie ako na bahala magsirado dito, " utos ko sa kaniya at pinulot ang na hulog na jacket kaninang tumayo ako. The scent is familiar kaya mas lalo akong kinabahan nung nagsink-in sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Asan siya?" tanong ko kay Jessie. Sympre palinga-linga din ang ulo ko pero hindi ko naman siya makita. Narinig ko ang sinabi ni Jessie kanina na hating gabi na habang ginigising ako.

"Umalis na. Nakisakay na lang sa mga kaibigan niya, " sagot niya naman saakin.

"Bakit hindi mo ako ginising? Ang susi niya nasa drawer pa, " sabi ko sa kaniya at kinuha ang susi ng sasakyan sa drawer at nilapag ko ito sa harapan niya.

"Aba!" maarteng saad niya.

"Hindi ko na kasalanan iyon noh. Nung nakita ka niyang tulog diyan sa pwesto mo dali-dali naman tumalikod ni hindi nga ako pinapansin, " maarteng sagot niya.

"Sana ginising mo na lang ako," pagpipilit ko ulit sa at iniwan na siyang nakatayo lang dahil magsisirado na rin ako pero naramdaman kong sumunod rin siya sa akin.

"Ang ganda ng tulog mo kaya hindi na din kita ginising at isa pa umalis naman na siya ng walang pa sabi," sagot niya sa akin at nilagay ang dalawang kamay niya sa balikat ko habang hinilot-hilot ito.

"Kailan niya kaya ako mapapatawad, Jes?" malungkot na tanong ko at nagsimula ng mag-sirado.

"Kahit sa pagtulog hanggang sa panaginip ang nakaraan ang sumasagi sa isipan ko. Malapit na akong mabaliw kay Lev. Kunti nalang Jes, " inporma ko pa.

"Kasalanan mo naman kasi. Seseryosohin mo naman pala yong tao bakit nakipagdeal ka pa. Sana noong nalaman mong mahal muna siya ng husto dapat sinabi mo na pati tuloy ako nadamay sa kalukohan niyo, Anya Belle! " sermon niya sa akin.

"I know kasalanan ko kaya nga huminge ako ng tawad," sagot ko din sa kaniya.

"Forgiveness is so hard to give sista kapag nasaktan at nagtiwala sa iyo ang tao. Ako nga walang alam diyan sa ginawa mo eh ni hindi niya nga ako kausapin," sagot niya.

"Totoo nga na wala kang alam pero ikaw ang malaking impact kong bakit lubos-lubos na ang galit sa akin ni.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng maalarma ako dahil nakasub-sub na si Jessie sa lupa.

"Oh God!" sigaw ko at agad-agad na hinatak ang kamay ni Noah para hindi siya malapit kay Jessie. Pero winaksi niya lang ito at mabilis na lumapit kay Jessie. Kwenelyohan niya ito at akmang susuntohin ulit ng maagap na nahawakan siya ni Matt at Daniel.

"He's Drunk Anya. Sorry for our mess, " si Daniel ang humingi ng paumanhin sa amin at ako naman agad na pinatayo si Jessie sabog tuloy ang magandang labi.

"What's wrong with you?!" Galit na tanong ni Jessie at pinunasan ang bibig niyang may dugo. Napapalalaki lang iyan pero alam kong sumbra na ang takot niya kay Levi.

"What's wrong with me?!" galit na sigaw ni Noah. Hindi naman lasing iyan si Levi dahil hindi siya basta-basta umiinom.

"Oh common! Nakakalimutan mo ata ang ginawa niyong dalawa sa akin?!" galit sa sabi sa kaniya.

"You Jealous, right ? Kasalanan ko bang mahal ako ng Ex mo Noah at hindi niya ako iiwan katulad ng pag-iwan mo sa kaniya!" sabi niya din.

"You two go back to your car," utos niya sa dalawang kasama niya kaya mas lalong na-alarma ang dalawa ng sumigaw siya.

"NOW!"

Dali-dali naman tinungo ng dalawang ang sasakyan ni Matt. Lumapit siya ulit kay Jessie at kwenelyohan ulit ito. Devil is Anger makikita mo ang expression sa mukha niya at ang mga ugat nito ay nagmamarka na sa balak niya.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon