OUR FATE: FATE'S LAST JUDGEMENT III

1.1K 37 12
                                    

'Their fate brought them back together...'

__

Nepthalie Maureen's POV
(25 years later…)

Patayo at dahan dahan kong nilapag ang painting na kakatapos ko lang gawin upang matuyo ito. Huminga ako ng malalim at halos nabunutan ng tinik dahil sa wakas ay natapos ko na rin bago pa mangyari ang exhibit sa EMU. 

Isa ako sa mga napiling gagawa ng artwork na ididisplay sa parating ma exhibit sa EMU. Sa ika-100 na taon ng unibersidad ay sigurado akong maraming gaganapin at maraming dadalo kaya sinigurado ko rin na maayos ang pagkakagawa ko ng artwork ko. 

I am a gradute of fine arts sa ASU. Dati nang nag merge ang dalawang paaralan kaya hindi na bagong nagpapalitan na rin sila ng estudyante. I am now a professional dance choreographer, an archer, I specialized in woodcraft and painting. Hindi ako sigurado kung alin ba ang magandang gawin kaya nilahat ko na lang din. Since lahat din naman ay gusto ko. 

Muli kong tinitigan ang gawa ko at inalala kung ano ang pinagbasehan ko no'n. It was tita Gayle and Tita Kris's supposed first born. 

Naalala ko dati kung paanong ilang taon kong naririnig kay Tita Gayle na palagi niyang napapanaginipan ang namatay nilang anak. Hanggang sa umabot na sa puntong pina paint niya sa 'kin ang batang lalaki sa panaginip niya. 

Hindi nagkakamali ang lahat sa sinasabi nilang napaka strikta at perfectionist ng pamilyang Servano. Sa loob ng labing limang taon ay paulit ulit kong ginawa ang artwork na iyon dahil hindi talaga siya nasa-satisfied. Hanggang sa nakuha ko na iyong timpla niya at sa wakas ay nabuo ko na rin ang mukha ng una nilang anak. 

Hindi biro ang pinagdaanan ko dahil umabot sa ilang daang canvas ang naubos ko at ang ibang buong painting ay nasayang lang din dahil hindi iyon nagustohan ni Tita. 

Their son was majestic when I finished it. After long years of trying, I felt fulfilled nang ipresinta ko sa harap ni Tita Gayle at Tita Kris ang painting na iyon at nagustuhan nila. Binili nila iyon sa malaking halaga at dinisplay sa loob ng bahay nila. 

Ngayon, pinili kong ipinta ang mata ng anak nila upang iyon ang isa sa mga ididisplay ko sa exhibit. I have a long story with this child kaya iyon agad ang unang pumasok sa isip ko nang makakuha ako ng imbitasyon sa EMU. It was the child's well detailed eye, light brown, and his curly lashes. I found this feature of him rare. Doon ako masyadong nahirapan sa mga mata niya dahil hindi nito nakuha ang mga mata ng parents niya. 

You can see through his features that he is a Servano-Muran but when it comes to his eyes, hindi ko alam kung kanino niya nakuha iyon. 

“Anak, it’s you Mom’s death anniversary next week.” paalala sa ‘kin ni Tatay pagpasok niya sa painting room ko. 

“I know.” Iritadong sambit ko at mabilis siyang hinila palabas ng room na iyon. He’s kind of clumsy, ayokong masira niya ang mga pinaghirapan ko. “I told you a lot of times to not enter my workplace tatay.” inis na sambit ko sa kanya. 

“I just want to remind you about-” 

“Alam ko. Twenty-five years nakong pabalik balik kay Nanay at Mommy.” 

“Why are you so busy? Ano iyong ipininta mo? inutusan ka na naman ba ng mga Servano.” 

I growled annoyingly. “Tay, ano ba?” 

“Nag-aalala lang ako. Last time kasi pinahirapan ka nila sa pagpinta ng anak nilang matagal nang patay.” 

“If you’re into arts you’ll know kung bakit ko tinanggap iyon.” rason ko. Nauna akong bumaba sa sala at ramdam ko naman ang pagsunod niya. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon