CHAPTER 26

812 32 14
                                    

'Have you tried touching yourself?'

__

Tahimik akong tumayo mula sa pagkakaupo dahil sa gulat sa presensya ni Thana. I cleared my throat to get Raffy’s attention. Si Thana naman ay dahan dahang lumapit sa amin. Huli na nang napansin ko ang isang kaha ng sigarilyo na hawak niya. Agad akong nagtaka. 

“What are you doing here, Professor Caspe?” kaswal na tanong ni Thana. 

Tinignan siya ni Raffy at mukhang nang-aasar pa siyang tinaasan ng kilay. “Hinatiran ko lang ng bulaklak si Dhayne. I was worried after I heard what happened to her.” Raffy cleared his throat. “Are you smoking? Are you aware that smoking is prohibited inside the university?” dugtong pa niya kay Thana. 

Siya naman ngayon ang tinaasan ng kilay ni Thana. I knew at that time that she was annoyed. “Flowers? Dhayne doesn’t like flowers.” Mapaglaro siyang ngumisi. “She likes coffee, she likes cats and staying in. She doesn’t like people in general, especially men. FYI, she doesn’t like social media and she prefers blazers over revealing clothes. She loves to wear sneakers but also wears heels occasionally and when working. She used to wear skirts but because she’s with me now, I always remind her to put on slacks. Para hindi masilipan ng kung sinong bastos sa tabi tabi.” 

Raffy chuckled frantically. “W-Why are you saying those things to me, Ms. Hirano?” 

“Just so you know. Thank me for the information, right?” I bit my lower lip when Thana momentarily glared at me. “Oh, and she likes cuddling and kissing too. Actually, Dhayne is a very good kisser. Her soft lips are one of my favorite parts of her body to kiss.” Thana shrugged proudly. Saka niya itinuro iyong hickey niya sa leeg. “She did this to me.” 

Hindi makapaniwalang pinikit ko ang mga mata at huminga ng malalim. I tried stopping her using my eyes ngunit hindi na niya ‘ko tinapunan ng tingin. Alam kong sa pagkakataong iyon ay naiinis na siya kaya ganun na lang din ang paglabas ng kung anong salita sa bibig niya. 

Sinenyasan ko si Raffy na umalis na sa tabi ko at hindi naman siya nagdalawang isip. Nilapitan niya sa Thana at saka sila nagkatinginang dalawa. Mas matangkad si Raffy kay Thana kaya bahagyang nakatingala si Thana habang nilalabanan ang tingin ng propesor. 

“Ahh, Thana. That’s enough. I-I’m really hungry, can we have our lunch now?” pasimple kong iniba ang usapan at pinalabas na nagugutom upang matigil na siya. 

“See, she did not object to what I said. Anything else you want to know about my girlfriend, Mr. Caspe? You can come to me if you have any concerns relating to my girlfriend. Selosa kasi ako eh. Gusto ko ang akin, akin lang.” Umiling siya at dumiretso sa mini sala ng opisina ko upang maupo roon. 

Nagtatanong akong tinignan ni Raffy at ngumiti lang ako sa kanya upang kumpirmahin ang sinabi ni Thana. I don’t want to give any reason for Thana to get angrier. Tahimik kong niligpit ang laptop ko habang pinagmamasdan si Raffy na inis na tumalikod. Pasimple pa niyang tinapunan ng tingin si Thana bago tuluyang umalis. 

Hindi man lang nakapagsalita ng kahit ano si Raffy dahil sa pambabara sa kanya ni Thana. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong gawin. Kung tama bang pagsabihan si Thana dahil sa sinabi niya kay Raffy o pasalamatan pa siya dahil alam kong didistansya na si Raffy dahil sa mga sinabi niya. 

"Are you mad?" Bungad ko kay Thana nang nakalapit na sa kanya. 

"Yes. At that Professor. Not at you." Sagot niya habang nagpapatuloy sa pagligpit ng pagkakainan namin. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Where stories live. Discover now