CHAPTER 20

681 25 22
                                    

'It will be alright, Dhayne.'

__

TWO weeks passed like lightning. Hindi ko na namalayan na gigising na lang akong babalik na sa trabaho ko. I enjoyed my whole two weeks because of the company Thana gave me. Hindi ko man lang naramdaman ang pagkabagot sa sarili kong bahay hindi tulad noong huling summer na halos isubsob ko na ang sarili ko sa trabaho. 

Normally, I would still do my work if I happened to get suspended. This time was different. I spent my whole two weeks with Thana. The most tiring thing that we did was hiking. I was forced, of course but I never knew hiking was fun until I did it with her. We went to the malls, parks, we literally spent the whole week together. 

Sinigurado ko naman na hindi naapektuhan ng presensya ko ang pag aaral at pag eensayo ni Thana. She still did her responsibilities. Hindi ko nga inaasahang magkakaroon pa siya ng oras sa 'kin but she did. 

"Buckle up, woman." Utos niya habang sinusuot ang seatbelt niya. Papunta kaming ASU ngayon dahil babalik na 'ko sa trabaho at saktong opening ng intramurals sa school. 

Wala akong naging balita kina Gayle at Kris. Hindi nila ako kinocontact magpasa hanggang ngayon kaya nakikibalita ako kay Leigh tungkol sa mga ganap sa eskwelahan. 

"Dala mo na ba yung mga kailangan mo?" Tanong ko kay Thana sa kalagitnaan ng pagda drive niya. Mula kami sa bahay niya, doon ako nanirahan simula noong dinala niya 'ko'y hindi na nabigyan ng pagkakataon na makauwi pa. 

"Hm. I brought you water, nasa bag ko." Sagot niya. 

"May tubig naman sa ASU." 

"I'm sure maraming tao ngayon. Mahihirapan kang bumili sa canteen kaya nagdala ako." Tumango ako at sinilip sa likod na bahagi ng sasakyan niya ang bag niyang dala. 

Wala akong dala, malamang. Nasa bahay lahat ng gamit ko. Ito ngang damit na suot ko ay sa kanya pa. Mukha tuloy kaming lupang basa dahil magkakulay kaming dalawa. 

"I think I'll just stay the whole day in my office. Intramurals are boring and noisy." Bulong bulong, nakatingin sa nadadaanan naming mga sasakyan. 

"There are booths and stalls. You can stroll there. Besides, hindi ka ba manonood ng laro ko?" 

I tsked. "Malamang manonood. Anong oras ulit yun?" 

"You're not paying attention to me, aren't you?" Nagsisinupladang aniya. Hindi na gumagana sa 'kin ang mga pahaging na ganyan niya. Kung dati'y lagi kong galit ang pag iiba ng tono sa boses niya, ngayon ay parang normal na bagay na lang iyon na palatandaan ko nalang kung kailan hindi niya nagugustohan ang mga sinasabi ko. 

"Nakalimutan ko lang. There's a lot of things going in and out of my head." Depensa ko. 

"I should kiss you to knock some sense into your head." Sinamaan ko siya ng tingin. "It's eleven." 

"Okay." Sumimangot siya. 

Hindi nagtagal ay nasa parking lot na rin kami ng ASU. Naabutan namin si Leigh at Harper na nag uusap sa parking lot at nakuha namin ang pansin ng dalawa nang pagbuksan ako ni Thana ng pinto. 

"Thana Morana, part time student, full time door opener of Dhayne Louise." 

Inirapan ko si Leigh dahil sa narinig mula sa kanya. "Why are you two here?" Nagtatakang tanong ko. Nakayuko si Harper sa tapat ni Leigh, mukhang napagalitan ata ni Leigh. 

"Let's mind our own business, Dhayne. They're obviously having a fight." -Thana. 

"Are you bullying my student, Leigh?" Kumunot ang noo ko, tinapunan ng tingin si Harper bago sinimangutan si Leigh. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Where stories live. Discover now