CHAPTER 32

810 33 10
                                    

‘My love... My baby...'

__

“NAALALA mo ba noong sinabi ko sa ‘yo na namana ng anak ko ang sakit ng Nanay niya. Ito yung tinutukoy ko, Dhayne. Thana has a heart failure dati pa.” paliwanag ni Khairo habang sinasabayan akong manigarilyo sa malayong parking lot ng hospital kung saan namin dinala si Thana. 

She’s stable now. Nakausap ko na rin siya kanina but the doctor advised na ipagpahinga muna si Thana. 

I clenched my fist at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Masyadong maraming nangyayari at halos hindi iyon maproseso ng utak ko lahat. The fact na hindi pa nag iisang buwan simula noong sabihin sa ‘kin ni Thana na pamilyado na siya. 

“You worked with my parents, Khairo. Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na ipagamot siya?” mariing tanong ko, halos galit na. 

“Mahal ko si Thana,” he laughed mockingly. “Tingin mo ba hindi ko ginawa iyon? Hawak ko na yung pera, Dhayne-” 

“Then what happened, Khairo?!” 

“Ayaw niyang magpagamot! Ayaw niyang maglaan ako ng pera para sa kanya. Mas gusto niyang sa anak nalang namin-” 

“Anong klaseng tatay at asawa ka kung hahayaan mong mamatay ang mahal mo, Khairo?! You should’ve persuaded her enough. At ano ‘yung rason kung bakit ayaw niyang magpagamot? Alam mo ba?” Hindi siya nakapagsalita kaya mas lalong namuo ang galit ko. “Ni hindi ka man lang nagtanong kung bakit ayaw niyang magpagamot? You’re so stupid!” 

“I know. I have made a mistake. Marami akong pagkukulang sa kanya at kay Nepthalie at lubos ko nang pinagsisihan iyon.” 

Natahimik ako. Halos hindi makapaniwala sa mga binitawan niyang salita. Did she really love Thana at all? Funny, how we all realized our mistakes when it was all too late. 

Can’t we just think before doing anything? Hindi ba pwedeng isang libong beses muna pag isipan bago gawin nang wala nang masaktan at wala nang pagsisisi sa huli? 

I'm tired of living life full of regrets and hearing someone do the same. I regret this, I regret that na kung hindi sana natin ginawa ay wala sanang pagsisisi. 

“Don’t worry, Dhayne…” bigla ay sambit ni Khairo pagkatapos ng mahabang katahimikan sa gitna naming dalawa. “Hindi ko siya aagawin sa ‘yo.” his voice broke. He just tried to hide it by clearing his throat. 

“She’s not mine.” 

“Ilang taon na kaming magkasama ni Thana. Ilang taon ko na siyang kilala at ilang taon na rin simula noong nagpakasal kami. Ngunit isang beses ko lang siyang nakitang ngumiti na abot hanggang sa mata niya.”

“...” 

“That's when she talked to our daughter about you.” wala sa sariling napangiti si Khairo. “Her eyes sparkled whenever she mentioned your name. At kahit anong tanong ng anak namin basta tungkol sa 'yo ay naglalaan siya ng oras. Sa apat na buwan kaming nagkasama, walang araw na hindi ka niya binabanggit sa anak namin.” 

“Your mommy Dhayne loves cats. She also loves flowers and I always clean my garden for her. Your mommy Dhayne hates eating in fast food restaurants… She has a lot of cars. Things like that, Dhayne.” His adams apple moved. “Gusto kong magalit kasi nagmumukhang kayo pa yung pamilya sa mga kwento niya sa anak namin but how could I? Sa ilang taon, noon ko lang siya nakitang masaya tapos hahadlangan ko pa. And that’s when I knew that I lost– no, that she was never mine.” -Khairo

Our Fate [OUR SERIES #2]Where stories live. Discover now