OUR FATE: FATE'S LAST JUDGEMENT

790 30 18
                                    

'Pahinga... Gusto ko na ring magpahinga...'

__

I panicked and called a doctor when Thana's monitor beeped. Mabilis akong bumaba sa kama at tinawag si Isaac. Mabuti na lang at naroon siya nong mga oras na iyon.

He attended Thana habang naghihintay akong muli si labas. Nanginginig ang mga kamay ko at malakas ang bawat pintig ng puso ko dahil sa kaba.

Please, not now. Please please, hindi pa ko handa.

Malalim ang bawat hugot ko ng hininga, pinipigilan ko ang sariling mag isip ng masama at umiyak. I need to keep my sanity. I need to be strong.

I couldn't remember how long it took before Isaac finally went out of Thana's room. He sighed heavily in front of me, like he wanted to tell me something but he just chose to walk past me. Tinalikuran ako nito at nang bumalik ako sa kwarto ni Thana ay naabutan ko siyang tulog na.

I sighed heavily and wiped tiny tears that escaped through my eyes. May oras pa. Hinihiling ko na sana lumaban si Thana kahit hanggang sa makakita lang si Dad ng heart donor niya.

I don't know what's taking him long. Ang alam ko lang ay hindi madaling makahanap ng heart donor kahit saang lugar o kahit magkano pa ang ibabayad mo. And that fact kept on upsetting me.

I tried my best not to think negatively. Ngunit sa mga nangyayari at sa mga naririnig ko, alam kong malabong walang mangyaring masama kay Thana. I have been gaslighting myself that everything is fine. Dahil nakakausap ko pa si Thana. Dahil malakas pa siya sa paningin ko.

And deep inside I know that is not the case. I saw how her breathing is not normal lalo na kapag natutulog siya. I noticed how her breath became ragged each time she would speak at a normal volume. She was just forcing herself... for me.

And the fucking worse is I know that she would choose to take off her life support if I weren't there. If she hadn't met me, she wouldn't have fought for her life this long. Alam kong tinitiis niya lang ang lahat dahil sa 'kin. Kahit na ang totoo, ay hirap na hirap na rin siya.

Hindi ko na rin kaya ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siyang nahihirapan. Ayokong makita siyang araw araw na lumalaban ngunit ayaw ko ring mawala siya. Kahit alam kong imposible ay umaasa pa rin akong magagawan pa ng paraan.

THE NEXT DAYS, our friends visited Thana. Except Kris and Gayle. Harper visited at nagkataon na nagkasabay pa sila ni Leigh. There's a tension between them at ramdam kong naiilang si Leigh kay Harper but Harper seems to not care.

"Busy ako sa school, Thana. Pero gusto ko palagi nandito." Pagmamaktol ni Harper.

"Come on, unahin mo yung pag aaral ako." Garalgal na sambit ni Thana.

"Wala nang bibili ng sapatos ko eh. I want to be with you kapag bumili ako ng bago. Diba sabi mo papalitan ko na yung huling sapatos na binili mo? Pagaling ka para mapalitan na to."

Thana nodded lightly. "Yes, I will Harper. Why are you crying? I'm fine." Kahit na hirap ay inabot ni Thana ang pisngi ng kaibigan upang punasan ang luha nito.

Lumingon ako sa likod upang sipatin si Leigh na nakaupo sa sofa. Nasa table ako at siya ay nasa likod, parehas kaming nanonood at nakikinig sa dalawa.

"Masigla ka naman dati pero bakit nangyari 'to?" Mas lalong napaiyak si Harper.

"Harper, I'm sorry. I am not worth your tears, please huwag ka umiyak sa harap ko." Pag aalo nito sa kaibigan. "I will buy you bubbles."

"Ang sama mo." Tumawa si Thana ngunit hindi pa rin natigil ang luha niya. "Alam mong hindi ako ang naglalaro ng mga bubbles na binibigay niyo."

Our Fate [OUR SERIES #2]Where stories live. Discover now