CHAPTER 27

664 28 11
                                    

'You are worthy'

__

I clenched my fist as I watched Thana walking away. She just asked my permission if she could go and eat lunch with the Servano's later. Hindi naman pwedeng hindi ko siya payagan dahil ako rin naman ang unang nagsabing hindi ko siya madadaluhan sa lunch mamaya. 

I'll have an important meeting with my parents later. Hindi ko alam kung tungkol saan basta't bigla nalang nila 'kong pinatawag. 

I just hate the fact that she's spending more time with the Servanos recently. Parang hindi na niya 'ko nabibigyan ng atensyon. Palagi siyang pinapatawag ng dalawa at may pagkakataon pang uwian ng hapon na siya bumabalik. 

I don't know what's going on with them. Halos tatlong buwan na rin ang nakalipas. Noong una ay maayos pa at hindi umaabot ng isang oras si Thana sa opisina ni Gayle, ngayon ay halos buong araw nang igugol ni Thana ang buong oras niya sa kanila. 

Hindi naman nagbabago ang trato sa 'kin ni Thana. She's consistent just like our first day every time we're together. Ngunit hindi tulad ng dati na buong libreng oras niya ay sa 'kin lang niya binibigay. 

Ako man ay nagiging abala rin sa pagtuturo kaya minsan ay hindi talaga nagkakasabay ang schedule namin. Nainis akong nagplano kaming lumabas mamayang lunch ngunit hindi iyon natuloy dahil sa biglaang pagpapatawag sa 'kin ng parents ko. At mas lalong nadagdagan ang inis ko nang malaman kong magkasama na naman si Thana, Gayle at Kris. 

Inis kong hinampas ang manibela ng sasakyan ko pagkatapos kong pumasok sa loob upang bumyahe na papuntang restaurant kung saan kami magla lunch kasama ang pamilya ko. Bumuga ako ng isang malalim na hininga at tinignan ang sarili kong repleksyon sa bintana ng sasakyan ko. 

Hanggang kailan kaya ganito? Ayoko ng ganito. 

Lumilipad ang isipan kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa restaurant kung saan kami magla-lunch. Hindi na rin ako nag abalang ayusin pa ang mukha o kahit ang buhok man lang. Pagkarating ko ay agad akong bumaba at dumeretso na sa loob. 

"You don't look okay, what happened to you?" Agad na bungad ni Daddy. 

"Nag away kayo ni Thana?" Huminga ako ng malalim dahil sa mga tanong nila. 

"Wala, My. Nagugutom lang ako." Sagot ko at tinignan ang dalawang shake sa lamesa. 

Mom raised her hand para makapag order na kami. At dahil wala ako sa tamang timpla ay salad lang din ang inorder ko. 

"Bakit niyo nga pala ako pinatawag?" Tanong ko nang magsimula nang maglapag ang waiter ng pagkain namin. 

"We just want to check on you. Simula noong umalis ka ng bahay ay hindi ka na bumalik." -Dad. 

"Hindi rin naman kayo nags-stay sa bahay. Busy rin naman kayo sa business niyo diba?” sagot ko at nagsimulang kumain. 

“Actually, kakauwi lang namin ng daddy mo. Kumusta na kayo ni Thana? Kailan mo balak umuwi ng bahay.” Nilaliman ko pa lalo ang pagtingin kay mommy nang maalala ang napagkuwentuhan namin ni Daddy na pinagdaanan niya. 

Sinadya kong hindi na buksan ang topikong iyon kay mommy. Naiilang akong tanungin siya sa nakaraan niyang alam kong naging mahirap para sa kanyang kalimutan. Ni hindi ko na rin natanong si Daddy tungkol doon. 

Naiisip ko kung gaano kaya kasakit kay Mommy ang nangyaring iyon, at gusto ko ring malaman kung ano ang naging reaksyon ni Tita Maxine sa pangloloko niya sa mommy ko. 

Nagtataka akong sinipat ni Mommy dahil sa pananahimik ko. Tumikhim ako at pasimpleng tinignan si Daddy habang kunwaring inaayos ang upuan ko. “May problema ba kayo ni Thana, anak?” mula sa pagtataka ay nag-alala na naman siya. 

Our Fate [OUR SERIES #2]Where stories live. Discover now