₱ 26 - daddy, I hate this fucking school

42.3K 529 147
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


R-18


♡ ₱ ♡



"Miss!" rinig kong tawag sa akin. "Miss!"


Nilingon ko naman ang pinanggalingan ng boses. Isang reporter 'yun na babae. Mukhang nakapuslit 'to sa gate.


Dumaan lang ako sa harap ng Castle dahil katatapos ko lang kausapin sila Officer Nadal. Maraming reporters sa labas ng gate at dahil sa tapat ng Castle ang gate, kita ko ang mga nagpupumilit na reporters na gustong makapasok. Kung paanong nakapuslit ang babaeng 'to ay hindi ko alam.


"Pwede ka ba namin makapanayam tungkol sa paaralan?" tanong niya nang huminto ako at lapitan niya.


Tinignan ko naman ang tinututok niyang recorder sa akin. "What do you want to know?"


Nagningning ang mata niyang parang nanalo sa lotto. Tinignan naman niya ang papel sa kabilang kamay bago nagtanong. "Ano ang mga naging karanasan mo sa school? Maaari mo bang sabihin sa amin ang mga nangyari?"


Tumaas ang isang kilay ko. Buong mundo ay gusto ng malaman ang nangyari. Natawa naman ako. 


"Karanasan ko?" natatawa kong panimula. "Marami. Ngayon, magtatapos na 'ko. But I'm not gonna get a medal. Do you know what I got?" I smiled at her. "Trauma."


Napatitig ang babae sa akin bago siya tumango. "Ano pong masasabi niyo sa school na 'to?"


Mga gusto lang talagang maki-chismis. Wala naman silang pake sa amin.


"I hate this fucking school," sagot ko bago hablutin ang recorder niya at hinagis ito. Tinalikuran ko na siya at dumertso pabalik sa Manor.


Paakyat ako sa grand staircase nang bumukas ang pinto at pumasok si Seb. "Sa wakas wala na ring camera!" lantaya nito nang may kasunod na buntong hininga.


"Can you shut up, Seb?" saway ni Karina sa kanya na nasa living room at busy sa paglalagay ng kolorete sa mukha.


"Bakit ka nagme-make up?" tanong ng lalaki.


daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon