₱ 1 - daddy, nice to meet you

82.7K 1.1K 364
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


TW: Suicidal Ideation


♡ ₱ ♡



Paulit-ulit na pinaikot ng isang lalaking naka-white scrub ang isang mahabang cotton bud sa bibig ko. Nang matapos siya ay nilagay niya sa isang tube ang cotton bud na may laway ko. Matapos ay tumayo naman siya sa kinauupuang stool sa harap ko at pumunta sa aking likod. Nagulat ako nang biglang sumakit nang kaunti ang anit ko nang maramdamang may binunot siyang buhok sa ulo ko. Naulit 'yun hanggang sa makakuha siya ng maraming buhok na nilagay niya sa isang container.


"You'll get the results tomorrow, Mr. Kingsley," ani ng lalaking sa tingin ko ay nurse sa lalaking nagdala sa akin dito sa malaking mansyon na nagpakilalang tatay ko.


Kanina, kahit basang basa ang katawan ko ay pinapasok nila ako sa kotse at pinasakay sa likod katabi ni Armando, ang aking ama. Nawalan ako ng imik dahil sa lamig ng aircon ng sasakyan at dahil hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayari. Ang mga kasama ko naman ay wala ring sinabi. Sinusulyapan lang ako ng tatay ko.


Nakarating kami sa isang malaking mansyon na nakikita ko lang sa mga K-drama na nakikita ko sa TV. Pinapasok nila ako kahit basa pa rin ako tapos tsaka lang ako inabutan ng isang maid ng tuwalya.


Nilibot ko ang paningin ko sa mansyon nang makapasok ako at isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko: Ang picture sa ibabaw ng hagdanan na nakaharap sa entrance. Hindi ko masasabing family picture 'yun dahil dalawa lang sila. Si Armando at isang dalaga na sa tanya ko ay mas bata sa akin ng ilang taon. Nakangiti sila sa picture at halatang close. Magkahawig rin sila kaya sure ako na anak niya 'yun.


So ang tanong ngayon: Bakit ako nandito kung may iba naman pala siyang anak?


"Emerson, bring her to her room," utos ng tatay ko sa lalaking nagpapayong kanina sa kanya. Assistant ata niya ito.


Tumango naman si Emerson at humarap sa akin. "I'll show you to your room, Miss."


Sinulyapan ko ang ama kong naglakad na at iniwan na kami doon. May tinitignan siya sa cellphone niya at ang isang assistant niya ay nakabuntot sa kanya. Tumayo na rin ako at sumunod kay Emerson na tinawag pa akong Miss. Natatawag lang akong 'Miss' kapag naka-catcall ako.

daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now