₱ 7 - daddy, i didn't expect it would be like this

53K 815 263
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


TW: Gore, Suicide, Death


♡ ₱ ♡



Nang makarating sa office ni Sir Starling ay dumeretso ako sa kaparehong couch set doon kagaya ng sa office ni Sir Havoc. Prente akong umupo at hinarap si Sir Starling na tinututukan pa rin ako ng baril.


Ang buong office ay kagaya ng kay Sir Havoc pwera sa mga gamit kagaya ng mga libro, mga picture frame sa desk niya, orange na lalagyan ng gamot sa tabi ng mug sa coffee table at may espresso machine siya rito na parang kusina.


It all looks the same but it feels different knowing the man who's in front of me is pointing a gun at me.


"You sure you can do that to a Kingsley?" Ngumisi ako sa kanya habang nakatingin sa baril na hawak niya.


Hindi sa hindi ako natatakot sa pagtutok niya ng baril sa akin. Ang totoo ay nanginginig na ang kalamnan ko dahil ito ang unang beses na nakakita ako ng totoong baril at nakatutok pa sa akin. Sinusubukan ko lang na maging matapang at hindi ipahalata ang takot ko.


"I don't care," walang emosyong saad ng propesor at lumapit sa akin. "As long as mapatahimik kita, hindi ko na alintana kung ano ang gagawin ko."


Sinubukan kong hindi magbago ang ngisi ko. "Gonna dispose of my body somewhere?"


Ginalaw niya patutok sa akin ang baril. "To the mountains where no one will know you're dead."


Itinagilid ko ng bahagya ang aking ulo. "Are you sure no one will know?"


I saw him gritting his teeth. Mas itinutok na naman niya sa akin ang baril at lumapit ng isa pang hakbang. "Maaalis din ang yabang mo kapag pinutok ko 'to sa ulo mo."


"Maalis din ang yabang mo kapag araw araw ka nang binibisita ng anak mo sa kulungan."


"Shut up! Leave Rose out of this!" galit niyang sigaw.


Napapikit ako pero hindi ko hinayaang magtagal 'yun at makita niyang natatakot na ako sa baril niya. "Then do as I say."


Tumagal ang galit na tingin niya sa akin. "What do you want?"


daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now