₱ 17 - daddy, is it me?

36.1K 507 136
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♡ ₱ ♡



What's one thing worse than living your life in poverty?


Simple. It's spending the rest of your life in the most dreadful place in the world: Jail.


Marami na akong napanood na documentary sa TV tuwing hatinggabi. Dahil laging umaabot ng madaling-araw ang trabaho ko at madalas, para hindi ako mabagot, manonood ako ng TV. Sadyang may TV lang talaga sa pahingahan ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Kaya habang nilalabanan ang antok, pinapanood ko ang buhay ng iba.


And somehow, watching other people who have it worse than me makes me feel better.


"Do you know who it might be?" tanong ni Sir Havoc habang hinihimas ang ulo kong nasa balikat niya.


Hindi pa rin ako umaalis sa bahay niya. No, hindi pa rin ako maka-alis.


Feel ko ay nakatingin pa rin si Ophelia sa akin at nakatayo ito sa bukana ng living room ni Sir. Hindi ako makagalaw sa pagkakakandong ko kay Sir habang nakayakap sa leeg niya. Natatakot ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


"I'm not sure but I saw something." Napapikit ako nang maramdaman ang kamay niya sa tirintas ko.


"Tell me about it."


Nag-play naman sa utak ko ang nasaksihan ko kanina. Parang ang tagal na no'ng nangyari 'yon kaya hindi ako makapaniwalang kanina lang umaga nang gumawa ng eskandalo si Mildred at Ophelia.


"Earlier today before she died, before second subject, Ophelia and Mildred made a scene in the hallway," panimula ko. "Hindi ko na naabutan ang buong pangyayari. Nakita ko nalang na nakaupo si Ophelia sa sahig and mukhang sinabunutan. Aleksander was stopping Mildred. Edmund was with me and nang makita niya ang nangyayari, nilapitan agad niya si Ophelia."


"What happened after that?"


"Nothing. Umalis na sila." Dumilat ako para makalimutan ang nangyari. Nakakatakot na makita ang mukha ni Ophelia sa isip ko. "I tried prying Ophelia but she didn't answer. She knows that I can use it against her. Then she's dead."


Marahang sinuklay ni Sir ang buhok ko na nakapagpagaan ng pakiramdam ko kahit papano. Para akong sanggol sa bisig niya na nakaupo sa kandungan niya. Napakakomportable kasi ng pwestong ito at marinig ko lang ang tibok ng puso niya sa dibdib niya ay nakakapagpatunay na sa aking totoo ang lahat ng ito.

daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now