₱ 9 - daddy, you'll help me, right?

58.4K 799 350
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


R-18

TW: Sexual Assault


♡ ₱ ♡



"Welcome, Xy," salubong sa akin ni Atticus nang pagbuksan niya ako ng backdoor sa Manor nila.


Madilim na at malapit na ang curfew pero ito ako at nasa ibang Manor para maki-party at maghanap ng kahit anong magagamit ko laban sa mga hipokritong ito.


"Hi. Thanks for inviting me."


Nginitian ko si Atticus na hinapit ang bewang ko papasok at hindi na inalis ang kamay niya roon hanggang sa makarating kami sa kwarto niya.


Ang dilim na ng paligid dahil gabi na rin kaya nakita ko sa maliit na siwang sa ilalim ng pintuan ng kwarto niya ang kulay lilang ilaw na galing sa loob.


Nang buksan niya ang pinto ay sumalubong sa akin ang madilim na paligid na ang tanging tanglaw ng liwanag ay ang violet light sa isang parang lamp sa gitna ng isang table. Nasa gitna ng room ni Atticus ang table at sa tingin ko ay study table niya 'yun na ginawang pang-inuman dahil nakapalibot na ang mga Alpha doon at nagsasalin na si Marie ng alak sa mga basong naka-abang.


So, this is what they do when there's a violet light in this room. They drink and...


Napunta ang mata ko kay Evangeline na kasama si Dariel at Andrius na may binibilang na kung ano sa isang maliit na table sa sulok ng room ni Atticus. Dahil iba ang kulay ng ilaw ay tanging madilim na imahe lang ang nakikita ko.


Lalagyan ng gamot ang nasa maliit na table nila at binuhos nila ang laman noon sa lamesa at tsaka binilang.


Ano 'yun?


Pinaupo ako ni Atticus sa katabi niyang bakanteng upuan at inabutan ng basong may lamang likidong hindi ko alam ang kulay dahil sa violet light.


"So, tell us how you got out of the lowest rank."


"Hmm?" Naalis ang tingin ko kila Evangeline na nasa sulok at napunta kay Beatrice.


"I mean, you got higher scores than your classmates and three other Beta," paliwanag niya. "Though I'm not sure about your ranking in between but you're in the middle despite being in the lowest ranks for two months. And that's something."

daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now