₱ 2 - daddy, i'm part of the top 10

75.8K 956 623
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


♡ ₱ ♡



"Let me formally introduce myself to the class," panimula ni Sir Havoc nang humarap siya sa buong klase namin. By buong klase, I mean sampung estudyante. "I am Engineer Havoc Hidalgo, your class adviser."


"How should we address you?" tanong ng isa kong babaeng kaklase sa harap na may blonde na buhok. "Engineer or Sir?"


"Anything is fine as long as it's respectful," seryosong sagot ng propesor.


Nakapangalumbaba ako sa desk ko habang nakatitig sa gwapong nasa harap. Sir is in his white polo that he folded up to the sleeves when we arrive in the room. Over it is a waistcoat and matching black necktie that is loosely tied on his neck. Abot lang sa ibaba ng bewang ni sir ang lamesang nasa harap kaya nakapatong ang mga kamay niya doon while he's leaning forward.


Bawat galaw niya ay nagpapalunok sa akin. Ngayong narito na ako sa bago kong school, marami akong nakitang mga may lahi at gwapong estudyante pero iba ang tama sa akin ng engineer na 'to.


At napansin ko, nang makarating kami sa classroom ay nawala na ang ngiti niya kanina at purong seryoso na ang mukha niya. Nakaka-angat ng balahibo ang bawat tingin ng mata niyang abo ang kulay kaya sa tuwing magtatama ang tingin namin ay ngiti ang nagagawa ko.


I guess there's more to the beauty of this school than its architecture and landscape.


"Is this your first year here, Sir?" tanong ng isang lalaki kong kaklase.


"Yes."


May nagtaas ng kamay na isang babaeng may salamin. Admirable for her even though none of my classmates who spoke earlier did that level of respect. Nang tignan siya ni Sir ay tsaka lang ito nagsalita.


"Can we expect you to guide us well for this year, Sir?" the girl asked in a formal manner.


"Depends on what you mean by 'well' but I'll do what my work is."


Parang hindi naman nasiyahan ang babae dahil bumaba ang mga balikat nito. Hindi naman na siya nagtanong ulit at natahimik na ang klase.

daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon