₱ 18 - daddy, it's not us

33.6K 521 88
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


TW: Mentions about Suicide


♡ ₱ ♡



"Ako si Officer Macy Nadal. I am in charge of the case of Ophelia Hartwood."


Nag-offer ng kamay sa akin ang matandang babaeng sa tantya ko ay halos fifty years old na. Napaka-intimidating ng dating niya. 'Yung parang masungit na teacher na malapit nang mag-retire.


Nakipagkamay ako sa kanya nang may magalang na tango. "Xy Kingsley."


"Please sit down, Ms. Kingsley." Iminuwestra niya ang kamay sa upuang katapat ng kanyang inuupuan.


"Thank you."


Habang paupo ay minata ko ang dalawang pulis na nasa likod ng matandang officer. Pinapanood nila ang bawat galaw ko na parang robot. Isang galaw ko lang na mali ay makikita nila. Napalunok ako at hinanda ang aking sarili.


Matapos akong dalhin ng mga disciplinary office staff sa opisina ng director ay dito nila ako dinala; sa isang kwarto sa tabi ng office ng direktor. Sinabi lang ng direktor sa aking kung bakit ako nandoon which is about Ophelia's missing case. Akala ko ay siya lang ang kakausapin ko pero nang dumating itong si Officer Nadal ay alam kong nagkamali ako.


Hindi man lang ginawang usap-usap lang. Diretso pulis na agad. Gano'n ka-seryoso ang ina ni Ophelia.


"You're shaking, Ms. Kingsley."


Pinagpalit ko ang nakapatong kong binti sa kabila at hinimas ang magkabila kong kamay.


"Who wouldn't be?" Napunta ang tingin ko sa mga nasa likod niyang pulis. "There are policemen right in front of me."


"Relax, tatanungin ka lang namin." Kahit anong pilit na ngiti ang gawin ng Officer na 'to ay walang epekto sa aking maganda. Mas lalo lang akong nanginginig dahil para siyang teacher na tinawag ako sa recitation.


Isang maling salita ay wala na akong grade. Isang maling salita ay mapagbibintangan na agad akong pumatay kay Ophelia.


I didn't kill her. I just saw her dead and hid her body somewhere.


daddy, i need your moneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon