₱ 5 - daddy, what dog breed are the alphas?

59.5K 863 394
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Maglabas na kayo ng notes guys. Ibibigay ko ang lahat ng info at ang makahula ay magkaka-jowa :>


♡ ₱ ♡



"So tell me about your plan."


Still slowly catching my breath, tinignan ko ang propesor na kanina lang ay kahalikan ko. Hindi maalis ang ngisi sa labi niya at parang wala lang sa kanya ang matagal na halik na 'yun habang ako ay halos maubusan na ng hininga.


This man is a beast.


Iminuwestra niya ang kamay sa couch set na nandoon sa office niya kaya pumunta ako roon para umupo. Siya naman ay dumaan muna sa pintuan at narinig ko ang pag-click ng lock bago siya umupo sa tapat ko sa couch.


"I don't have a plan yet," honest kong sagot.


"Brainstorm with me." Komportable siyang sumandal sa kinauupuan niya at hindi naalis ang tingin sa akin. "So, may dalawang section ka na kailangang isipin."


Tama, dalawang section lang dahil hindi ko na iniisip ang mga kasama ko sa Charlie. Si Seb palang ay kabawasan na sa bilang dahil wala naman siyang balak mag-valedictorian. And mostly sa section namin ay hindi naman tine-take seriously ang naging ranking last time. Umiiyak sila but that's it. Talagang kami lang ni Cecilia ang affected nang malala.


Ako, nag-iisip ng plano. Si Cecilia ay nakalibing na.


"Sino uumpisahan mo?" tanong ni Sir.


"I think I should start with the Beta," sagot ko.


"Why?"


"'Cause they're easier to read. And it would be harder to get into the walls of the Alpha section."


Closed-off ang mga Alpha at para silang may sariling mundo. Ganoon din naman ang mga Beta kaso sila kasi ay madalas makipag-close sa mga taga ibang section at nafi-feel ko na parang hindi sila seryoso. Ang gaan mostly ng atmosphere sa kanila at 'yun ang pinagtataka ko.


Anong sikreto nila at hindi sila nakasama sa lowest rank kahit napapansin ko naman na mostly sa kanila ay walang effort sa kahit anong gawain sa klase?

daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now