₱ 23 - daddy, i'm innocent

32.5K 461 185
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♡ ₱ ♡



"What the fuck is this?" pasigaw kong tanong habang pinoposas ang mga kamay ko sa likod ko.


Kasunod ng mga pulis na pumasok ay ang matandang babaeng officer na siyang may handle sa kaso ni Ophelia, si Officer Nadal.


Ang mata ng matanda ay napakaseryosong parang mata ng manika ang tinitignan ko. Ang mga labi niya ay mariing nakatikom habang pinapanood akong iposas.


"Ano ba?!" daing ko nang muntik nang ma-dislocate ang balikat ko dahil sa ginagawa ng pulis sa akin. "What's the meaning of this, Officer Nadal?"


"Inaaresto ka namin sa pagpatay kay Ophelia Hartwood," ang tanging sagot ng matanda.


"Hindi nga ako ang pumatay sa kanya!" sigaw ko at nagsimulang magpumiglas pero wala akong lakas laban sa mga pulis na humahawak sa akin.


Hindi naman ako pinansin ng Officer. "You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have the right to an attorney. If you cannot afford an attorney, one will be provided for you. Do you understand the rights I have just told to you?"


Mariin akong umiling. "I told you, I didn't kill her!"


Umiling din ito at ngumiti nang walang emosyon sa mata. "The evidence in your room says otherwise."


"Huh?" Sinimulan na akong hilahin ng mga pulis paalis ng kwarto ko. Sinubukan kong lumingon pabalik kay Officer Nadal na naiwan sa kwarto ko at nililibot ang tingin sa loob. "What did you find in my room?"


Hindi niya ako pinansin at nakita kong nilapitan niya ang lamesa kung saan nakakalat ang mga folder na binabasa ko.


"Hey!"


"'Wag ka nang manlaban," saway sa akin ng pulis.


Hindi na ako nakagalaw nang ibaba nila ako sa hotel at isakay sa sasakyan nila. Hindi ko alam kung saang presinto kami pupunta. Nang makaupo ako sa likod ng sasakyan ay nanahimik na ako at hindi na sinubukan pang manlaban. Wala naman na talaga akong magagawa. Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari.

daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now