₱ 10 - daddy, i don't know where i'll be without you

50K 688 141
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


♡ ₱ ♡



"Have you heard about what happened to the Alphas?" tanong sa akin ni Karina nang bumaba ako for lunch that weekend.


"They got caught drinking!" natatawang sabi ni Julianne bago uminom sa kanyang baso.


Kababalik ko lang galing sa bahay ni Sir Havoc. Alam ko na ang nangyari dahil sinabi niya sa akin lahat. 


Si Sir ang nag-report sa mga Alpha. Dahil doon ay pinuntahan sila ng discipline office staff kagabi. Sila ang kumatok sa Manor ng mga Alpha. Nakisama naman si Sir Havoc para hanapin ako and thankfully, he found me before I became part of the scandal that happened there.


News sure do travel fast dahil wala pang isang araw ay alam na ng buong school ang nangyari kagabi. Nakita ko na agad ang blog sa App ng school about doon. Sikat pala talaga si Atticus, ang student council president na nahuling umiinom sa kanilang Manor knowing na bawal ang any substances sa school or any kind of activities like that.


I was really lucky na si Sir Havoc ang nakahuli sa akin last time nang malasing ako. Siya, pinalampas ako. Ewan ko nalang sa mga Alpha. Sino kaya ang magtatanggol sa kanila?


Nanatili ako sa kwarto ko buong araw nang araw no 'yon. Nasa laptop ko lang ako at tinitignan ang mga comments sa blog na pinost about sa issue ng mga Alpha. Kada minuto yata ay may bagong blog at wala akong pinalampas na isa at binasa lahat.


I drank tea while reading their tea. It was really nice.


There was a risk sa ginawa ni Sir Havoc na pag-report sa nangyari kagabi. If hindi niya ako nahanap on time, pati ako ay masasama sa mga pinatawag sa office ng director. Sure ako na baka sa kabilang dulo na ako ng lowest ranks 'pag nagkataon.


It could've gone really bad pero si Sir Havoc 'yun eh. I trust him more than I should even though sa school na 'to, mahirap makahanap ng mapagkakatiwalaan mo.


He saved me and... he did so much more.


Kinahapunan, habang busy ako sa pagbabasa ng mga blogs ay kumatok si Seb sa kwarto ko.


"We're being summoned downstairs," aniya.


daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now