₱ 12 - daddy, money does buy you happiness, huh?

49.4K 693 305
                                    


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


TW: Suicidal Ideation, Domestic Violence


♡ ₱ ♡



Ngayong kilala ko na ang pera, naranasan ko na rin ang makaalis ng bansa at sumakay sa eroplano. At hindi lang basta eroplano, sa private jet pa ng tatay ko.


Akala ko ay habang buhay na ako sa Pilipinas at hindi man lang makakatapak sa lupain ng mga foreigner. Sinong mag-aakalang ang waitress noon na binabastos lang ay sa Switzerland nag-celebrate ng Christmas kasama ang mga kaibigan ng aking ama na puro mga banyaga?


Unang beses ko 'tong makaalis ng bansa at sa Switzerland pa ako nakapunta. Naranasan ko ang humawak ng snow at uminom ng mainit na tsokolate habang pinagmamasdan ang niyebe na walang tigil sa pag-ulan. Muntik na nga akong mabalian ng buto sa paa nang subukan kong mag skii. Sulit naman dahil first time ko 'yun nasubukan.


Parte lang ng pantasya ko ang makaranas ng winter or 'yung makapunta lang sa ibang bansa. Never na pumasok sa isip ko na magkakatotoo ang mga iniisip ko dahil wala naman talaga akong balak na mag-travel. Lalo na kung pati pasko ay nasa trabaho ako at nagse-serve ng mga customer.


Isa lang talaga kasi ang pangarap ko: Ang yumaman at mabuhay nang maginhawa. Hindi ko na iniisip ang gagawin ko sa pera ko. Ang gusto ko lang ay makapagpahinga sa lahat ng dinanas kong pagod sa pagiging mahirap.


Talagang traumatizing ang maging mahirap dahil ngayon ay hindi mawala sa isip ko na ang lahat ng nararanasan ko ngayon ay hindi permanente. Sa oras na matapos ang school year at grumaduate ako na hindi valedictorian, hindi ko na alam kung saan ako pupulutin. Nagiging tunay na bangungot tuwing gabi ang isiping 'yun.


At kahit marami akong plano sa buhay, iniisip ko pa lang na babalik ako sa buhay ko dati ay parang mas gusto nalang ng isip ko ang maglaho sa mundong ito.


Babalik na naman ako sa pagtulog sa matigas na upuan sa sala ng bahay ni Mama. Papasok ako sa eskwelahan nang gutom at pagtapos pa ng klase ay hindi agad ako makakakain dahil iisipin ko muna kung male-late ba ako sa trabaho ko. Uuwi akong pagod tapos masusumbatan pa kapag humiga ako agad kesyo kararating ko lang at dapat tumulong muna ako sa gawaing bahay.


Nasanay na ang likod ko sa malambot na kama. Nasanay na ako na kahit hindi ako kumain ngayon ay walang masasayang na pagkain dahil magkakaroon pa rin ako ng susunod na pananghalian o hapunan. Hindi ko kailangan isipin ang ibang bagay bukod sa pag-aaral ko dahil estudyante lang ako ngayon at hindi waitress o ano pa man. Hindi ko kailangang isipin kung magagalit ba ang aking ama kung gagastos ako dahil kapag mayaman ka, may mindset ka na babalik din naman ang pera.

daddy, i need your moneyWhere stories live. Discover now