His Cold Treatment

200 12 5
                                    

Chapter 25

Winter Pov.

Tulala ako sasakyan niyang paalis habang dinadama ang kirot sa aking dibdib. Kahit iyon lamang ang sinabi niya sakin, para ba‘ng hindi ko iyon kinaya.

Bakit ba hindi ko naisip na maaaring nagbago na ang lahat kay philip?

Bakit pa ba ako umasa na makaka-usap ko siya ng maayos?


Natawa ako bago mag-iwas ng tingin, isang mapait na pakiramdam ang meron ako ngayon bago ko madama ang isang presensya na lumapit sa akin.

“Paano mo ba makaka-usap ng maayos ang lalakeng ‘yon? Napaka-matapobre niya. Palibhasa mayaman..” nilingon ko si teacher grace. Bumuntong hininga ako bago pilit burahin sa isip ang nangyari kanina.

“Kakausapin ko pa rin siya. Nais niyang mag-usap kami sa opisina nito at mag-set ako ng appointment. Siguro nga ay ganoon lamang ang mga bussiness man..”

Iyon na lamang ang siyang dinahilan ko kay teacher grace. Ayoko namang sabihin ang nasa isip ko, ayoko ng ibahagi pa iyon kahit kanino. Kung ano na lang ang meron ang kasalukuyan ay siya na lamang pagtutuunan ko ng pansin.


“Huwag mo‘ng sabihin na luluwas ka pa ng manila?” nakataas ang kanyang kilay ng itanong iyon. Tumango ako, walang pag-aalinlangan kahit na alam ko‘ng walang kasiguraduhan ang pagpunta ko doon.

“Kung iyon ang nais niya, gagawin ko. Basta‘t maka-usap ko lang ito ng maayos at makumbinsing huwag na itong lupa ang bilhin niya...”

Napabuntong hininga si teacher grace. “Alam mo winter, kung talagang na-approvan na ang papel. Wala na tayong magagawa doon, dalawang linggo na lamang ang klase. Siguradong uumpisahan na nila ang bagong gusali na ipapatayo nila..”

Ngumiti ako ng tipid kahit na alam ko‘ng may punto siya. “Wala namang masama kung susubukan ko hindi ba? Atleast, may ginawa ako. Hindi iyong hahayaan at panonoorin ko na lang na gibain nila ito..” tumingin ako sa buong paligid. Kahit saan tumama ang paningin ko, may pumapasok na alaala sa isip ko. Marami na talaga akong magagandang alaala sa paaralang ito, minahal ko na ito at ayokong mawala ang paaralang ito kung saan ako natuto.

“Kung hindi man ako papalarin, kung hindi ko makukumbinsi si mr falcon. Baka babalik na lang ako dito, siguro ay doon ko na tatanggapin ang kapalaran ng paaralan..”



Bumuntong hininga muli si teacher grace sa sinabi ko. Ngumiti siya matapos ‘non bago tapikin ang balikat ko.

“Gusto mo ba‘ng samahan kita?”

Nangunot ang noo ko. “Hindi ba‘t may tutor ka rin sa summer?”

“Oo, meron nga. Pero pareho lang naman tayo, baka hindi muna ako mag-tutor..”

“Tsk, huwag na. Wag mo na akong gayahin, kaya ko naman na...”

Umiling siya. “Sasama ako sa’yo, ayoko namang hintayin na lang kita dito, uh! Baka kung ano pa ang ipagawa sayo ng lalakeng ‘yon para lang hindi na niya bilhin ito!”

Natawa ako sa sinabi niya. Pero kung iba na si philip ngayon at tuluyan na nga siyang nagbago. Paniguradong mahihirapan akong kausapin siya. Pero hindi ito ang oras upang pang-hinaan ako ng loob. Kahit na nagbago man siya, alam ko‘ng nasa katawan pa rin nito ang dating siya.


“Kailangan ko munang kausapin si mama at papa. Baka kung gaano katagal ang bakasyon, ganoon din katagal na mananatili ako doon..” tumango siya sa sinabi ko.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon