BAGONG SIMULA

162 9 2
                                    

Chapter 20

Winter Pov.

MATAPOS ang libing ni lola, nagsimula ng magbago ang buhay ko. Parang hindi na sapat sa akin ang magising ng umaga dahil wala na siya sa bahay, hindi halos ako sanay. Ang pangungulila sa sistema ko ay naroon pa rin kahit na isang linggo na ang lumipas.

Alam 'kong marami ang nagbago, dahil nasanay akong kasama araw-araw si lola. Hindi pa rin ako sanay ngayon na wala siya, hinahanap-hanap ko pa rin ang tinig niya. Ang pag-ngiti nito at madalas na pagbibigay sakin ng payo.

Hindi ko na naman maiwasang maluha habang nasa aking silid. Alas siete na ng umaga, alam ko dapat ay nakatayo na ako at tumutulong kay mama. Ngunit tila ba nakakawalang ganang bumangon, alam kong mali ang magmukmok at hayaan sila. Hindi rin lang naman ako ang nawalan, pati din sila. Pero ang sakit kasi.

“Wen?” mabilis na napunasan ko ang aking luha matapos marinig ang tinig ni mama. Kumatok siya dalawang beses dahilan upang bumangon ako para pagbuksan siya ng pinto.

Seryosong mukha ang bumungad sa akin ng makita ko si mama. Yumuko ako bago suklayin ang aking buhok.

“May bisita ka...” nag-angat rin ako ng tingin matapos marinig 'yon. Ngunit mabilis ko 'ring naalala na si calix lang naman ang madalas na bumibisita sa akin.

“M-maghihilamos lang po ako s-saglit..” bumuntong hininga si mama bago tumango. Hindi rin naman siya nagbigay imik matapos kong kumuha ng towel sa gilid ng pinto. Lumabas agad ako ng silid upang sa ibaba maghilamos, nasabi ni mama na maghihintay na lamang sila sa sala upang hindi mainip doon si calix.

Hindi na ako nag-abalang magbihis pa matapos kong maghilamos. Dumiretso ako sa sala kung saan naroon nga si calix at mama, may nakagawa ng kape para kay calix. Maayos din ang kanyang porma na para bang may pupuntahan.

Ngumiti siya sakin matapos kong maupo sa harapan niya. Nagpaalam din saglit si mama na aayusin muna ang mga almusal ng trabahador namin.

“I'm going back on manila today...” tinitigan ko lang si calix matapos niyang sabihin iyon. “Ayaw mo bang sumama sakin?”

Nangunot ang noo ko. “Wala akong gagawin sa manila, calix..”

“Pwede 'kang maghanap ng trabaho mo doon. May kilala akong naghahanap ng assistant niya.” hindi ako kumibo sa sinabing iyon ni calix. Naisip ko rin naman na iyon noon bago ilibing si lola. Nasabi ko sa sarili na kailangan kong maghanap ng paglilibangan upang hindi ko siya gaanong mamiss.

Ngunit sa manila?

Paano kung magkita kami ni ashong doon?

“Malayo ito kay philip, huwag mong isipin na magkikita ka kayo roon. Alam ko naman na hindi mo siya nais makita...” bumuntong hininga ako.

“Isang kumpanya ba iyan?” tumango si calix.

“Kilala siya ni mommy, costumer namin ito sa bar. Hiring ang company nila, maraming pwesto kang pwedeng pagpilian..”

Nagbaba ako ng tingin, nag-iisip ako kung ano ang magiging desisyon ko. Siguro nga kailangan ko ng magtrabaho upang hindi ako masyadong maging malungkot dito sa bahay. Wala naman na din akong magagawa pa, kahit anong iiyak ko dito at magkulong sa aking silid ay hindi na maibabalik pa ang buhay ni lola.

“I'm going to take the board exam tomorrow. Sasamahan rin kita sa magiging boss mo upang makapagtrabaho ka agad...” tumango ako bago tipid na ngumiti.

“Sige, payag na ako. Ngunit ayoko sa front desk. Kung pwede sana'y doon mismo ako sa opisina..”

“Wala namang problema 'yon, winter. Malaki ang company nila, pwede ka kahit saan mo gusto...” tumango ako, hindi na umimik pa. “Gusto lang kitang tulungan upang huwag kang masyadong malungkot dito. Alam kong dinaramdam mo pa ang pagkawala ni lola, pero. Ayokong magkasakit ka, kaya't naisipan kitang puntahan dito...”

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now