PAGSUBOK

147 12 2
                                    

Chapter 19

Winter Pov.

Ang buhay ay isang biyaya ng diyos na hindi mo matatanggihan. Sa oras na mabuhay ka, wala kang ibang gagawin kundi ang maging masaya. Ngunit hindi lahat kinakaya ang pagiging masaya, minsa'y dumadating tayo sa punto ng buhay natin na sobrang lungkot, sobrang dami ng problema at hihilingin mo na lang sa diyos na mawala ka na.

Napaka-misirable ng buhay ko ngayon, hindi ko alam kung bakit bigla na lamang nangyari ito. Mapapatanong ka lang sa sarili mong, naging masama ba ako? Wala naman akong ginawang masama para pagdaanan lahat ng ito.

Hindi ko maiwasang mag-isip, sumisikip ang dibdib ko sa bawat problemang meron ako. At ngayon, parang nawala na rin ang kalahati ng katawan ko dahil sa nangyari kay lola.

Hindi ako makapaniwala na ganon lang ang mangyayari, bakit ngayon pa? Bakit siya pa? At bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko ng mga habilin niya.

I couldn't stop my tears when lola finally arrive at home. Mas pinili namin na sa bahay na lamang iburol si lola. This is unexpected day, lola was fine this morning and i don't have any idea why she end up here. Hindi ko siya halos matingnan kung saan siya ngayon nakahiga, hindi ko tanggap. Ayokong tanggapin dahil parang ang bilis naman yata ng pangyayari.

“Condolence, hija..” tumango lang ako kay tita leonore. Walang kahit na anong ekspresyon sa aking mukha dahil pinipigilan ko ang maiyak. Hindi ko alam kung may ibubuhos pa ang aking mata matapos namin isugod si lola sa ospital kanina. But sad to say, lola perla is dead on arrival. Ang sabi ng doctor inatake ito at hindi agad naagapan, after i heard that. I'm blaiming myself for not taking care of her, for not staying on her side because i'm still busy for anyone.

“I didn't expect the news, wen. Bakit biglaan ang nangyari?” kinagat ko lamang ang pang-ibabang labi bago mag-iwas ng tingin sa tanong ni calix. Hindi ko nga rin alam ang isasagot ko, para na akong manhid. Para na akong wala sa sarili dahil sa sakit, gusto ko na lang umiyak ng umiyak hangga sa mapagod. Sobrang bigat na ng dibdib ko at parang nais ko ng sumuko.

“H-hey..” hinaplos ni calix ang balikat ko, nakatayo lamang ako sa gilid kung saan tinatanaw ko ang hinihigaan ni lola. Hindi ko kayang lumapit, ni hindi ko pa siya sinilip buhat kanina dahil para akong nanghihina. Ngayon pa lang na nasa malayo ako ay para ng sinasaksak ang dibdib ko sa sakit. Paano pa kaya kung masilayan ko na ito ng lubos.

“Y-you can cry with me, wen. I k-know this is hard for you. Your the only one grand daughter, alam kong malapit na malapit kayo ni lola..” umiling lang ako sa sinabi ni calix, humahapdi na ang aking mata ngunit pinipigilan kong umagos ang luha doon. Ayokong nakikita ni mama na mahina rin ako, alam kong masakit rin para sa kanya ang nangyari. Ayoko ng makisama pa at kung maaari ay maging matatag lamang ako sa paningin nila.

“Bakit kailangan niyang kunin ang buhay ni lola?” napatitig sa akin si calix dahil sa sinabi ko, nagbara bigla ang aking lalamunan habang diretso lamang ang paningin.

“Hindi natin alam, wen. You know, when your lolo died. Lola perla asked me that too, iyon din ang isinagot ko..”

“Hindi ko tanggap, dapat kasama ko pa sana si lola kung hindi lang ako umalis sa tabi niya. S-sana buhay pa siya hangga ngayon at hindi siya nakahiga d-diyan..” hindi sumagot si calix sa sinabi ko, bagkus. Niyakap lang niya ako dahil tiyak na nararamdaman nito ang hinanakit ko sa loob. Ngunit kahit anong gawin niya, nasasaktan pa rin ako. Nalulungkot, nangungulila at lahat lahat ng sakit ay nasa akin na.

“B-bakit hindi na lang ako ang k-kinuha nila, m-mas gugustuhin ko iyon. M-masyado ng n-nakakapagod...” humiwalay siya sakin matapos kong sabihin 'yon.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant