Mahal pa rin kita

430 25 6
                                    

Chapter 43

Winter Pov.

"Kanina pa kita tinitiis lapitan." he whispered above his kisses. Muntik ko pa'ng makalimutan na nasa banyo kami kung hindi ko lang naramdaman ang malamig na salamin sa likuran ko. "Lagi mo akong pinagseselos, winter. Hindi magandang gawain 'yon." he added while his lips moving on my jaw now.

"A-ano ba'ng pinagsasabi mo? Hindi kita pinagseselos, ashong."

"Sh*t." napamura siya matapos ko'ng sabihin iyon. "I really love to hear that name, winter. Tawagin mo lang ako diyan.."

"Nawawala ka na sa sarili mo, ibaba mo nga ako dito!"

"Madalas akong nawawala sa sarili ko pagkasama kita." hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niyang ito. Ngunit hindi ko nais gumawa ng eksena dito kaya't pinipilit ko'ng itulak siya.

"Huwag mo na akong sisihin pa sa pagkabaliw mo, ashong. Umalis ka diyan, baka biglang may makakita satin!"

"Bakit mo pa ba naiisip 'yon? It's too dark here, kahit hubaran kita dito. Walang makakakita."

"Ashong!"

I heard him chuckled while he's standing between my legs. Kung hindi ko lang naiisip na babaligtad siya dito pag sinipa ko siya, ginawa ko na sana iyon kanina pa.

"Pinapasabik mo talaga ako, winter. Noon hangga ngayon, walang kupas."

Hindi ako nagbigay kumento sa sinabi niyang iyon. Ilang segundo lang kasi ng dumating ang kuryente kung saan muli ng nagbigay ingay ang musika sa loob ng bar.

"Stop drinking there, understand?"

Pinag-taasan ko siya ng kilay dahil sa pagdidikta nito. "Sino ka ba para pagbawalan ako?"

"I am your soon to be husband, villapania. Sa oras na malasing ka, hindi na kita tutulungan." nangisi ako sabay iwas ng tingin.

"Sino ba kasing nagsabing tulungan mo ako?"

Ngumisi din ito na tila ba hinahamon ako. "Huhubaran na kita, sa oras na malasing ka. I warned you."

Matapos niyang sabihin iyon, tinalikuran niya na ako at iniwang tulala sa aking pwesto. Para ba'ng dinala na lahat niya ang aking katinuan kaya't halos ilang segundo bago ako makabawi sa sinabi niya.

"Walang hiya." i murmured that words before i finally reach the floor. Paano niya nagagawa sakin iyon ng swabe lang? Samantalang ako ay para na lang maiihi dahil sa kaba. Pero siya, ibang klase. Para ba'ng masasabi ko ngayon na mas lalo pa siyang naging agrisibo, mas lumala pa kesa noon.

Napapikit ako sabay hilamos sa aking mukha, nahawakan ko pa ang aking labi kaya't muli ko na lamang naisip ang eksenang paghalik niya sa akin.

Ako yata ang biglang nawala sa sarili kaya't halos magtagal pa ako sa loob ng banyo. Kung hindi ko lang naalala si grace na biglang nawala ay baka hindi na ako lalabas pa doon.

"Bakit ang tagal mo? Nagpa-alam pala si sir reese na may aasikasuhin lang, babalik daw siya dito mamaya." wala sa sariling tumango ako matapos sabihin iyon ng kasama ko. Naupo na ako sa tabi niya habang iniisip ngayon kung kasama na ba niya si grace.

Dahil sa kaisipang iyon, kinuha ko ang cellphone sa aking bag upang tingnan kung nag-iwas siya ng mensahe doon. At nang makita may message nga siya, daglian ko'ng binuksan iyon upang mabasa.

*Reese*
"Im with her, thankyou."

Iyon lang ang maikli niyang mensahe sa akin na siyang nakapag-pahinga sa akin ng maluwang. Ang kaso lang ay iniisip ko kung mananatili pa ba ako dito o uuwi na dahil naroon naman na si grace kasama niya.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now