THE GIFT

242 12 1
                                    

Chapter 2

Winter Pov.




Sa bahay nanatili si ashong buong maghapon, tinulungan niya kami sa pagluluto maging sa ilang decoration kahit wala namang bisita. Masaya ang araw ko dahil kasama ko siya, kahit may iniisip ako tungkol sa relasyon namin. Mas pinili ko pa rin sulitin ang oras na kasama siya.

Kahit alam ko namang hindi ako gusto ng mommy niya. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod na araw, kung kaya't kahit mabigat ang loob ko dahil sa mga nalaman tungkol sa problema niya. Pinakisamahan ko pa rin siya ng maayos.


”Merry christmas.” ngumiti ako sa pagbati ni ashong. Alas onse pa lang ng gabi ngunit heto siya at binabati na ako, gising pa rin kami dahil naghihintay kami sa oras ng noche buena. Hindi ito ang unang beses na makasama ko si ashong sa gabi ng pasko, naalala ko pa noon ng makasama ko siya habang may relasyon pa kami ni calix.

Iyon din ang panahon na may gusto na pala siya sa akin at wala na itong nararamdaman pa para kay trixie.


”Wala pa naman alas dose.” anas ko na bahagyang nakangiti.

But it's still christmas, ano yung mga inilabas mo kanina?” nag-iwas ako ng tingin nang mabanggit niya ang tungkol roon. May regalo kasi ako kay lola at sa kanya, ito ang unang beses na bibigyan ko siya ng regalo maging ang magbigay ng materyal na bagay sa isang lalake.

”R-regalo l-lang.” iwas pa rin ang aking tingin maging ng sumagot ako. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya, ngunit nilingon ko rin ito upang tingnan ang reaksyon niya.

"Para sakin ba 'yon?”

”O-oo, naisip ko lang na bigyan kita ng regalo dahil pasko naman. Hindi pa kasi kita nabibigyan.”

”Sus.” bahagya niyang kinurot ang aking pisngi. ”Kahit wag mo na akong bigyan, masaya na ako.”

”Hindi ko na ibibigay?”

”Huh? Bakit hindi? I thought that gift is for me.”

”Akala ko masaya ka na kahit hindi kita bigyan, kung ganon. Hindi ko na ibibigay.”

Umikot ang mata nito sa sinabi ko. ”Hindi sa ganon, im happy with or without gift's. Ang sakin lang, nag-abala ka pa.”

”Hindi naman ako naabala, gumamit lang ako ng online app para orderin iyon.” kinagat niya ang labi na para bang nagpipigil ng ngiti, heto na naman ang side niyang kinikilig na hindi talaga niya mapigilan.


”What did you order for me?”

”Gusto mo ng makita?” tumango siya.

Nakangiti pa rin talaga at maging ang kislap ng mata niya ay nakikita ko. Napailing ako, ang babaw lang talaga ng kaligayahan. Sa totoo lang, I can't decide what gift that i should give him. Ashong has a lot of things. I know that even though i bought him a cheap gift tonight, he will be happy. Masaya iyan kahit maliit na bagay lang, dapat lang na maging masaya siya dahil nagsearch pa ako online kung anong magandang iregalo sa mga lalake.

”Kukunin ko lang, hintayin mo ako.” tumayo ako mula sa pagkakaupo, nasa sala kami. Tumungo ako sa maliit na christmas tree at doon kinuha ang isang regalo para kay ashong. Sakto rin ang paglabas ni lola na kakabihis lang nito, nginitian ko ito bago i-abot rin ang regalo para sa kanya.

”Merry christmas po.” malapad ang ngiti ni lola sa inabot ko. Simple lamang ang regalong ibinigay ko dahil hindi pa naman ako napapadalhan ni papa ng pera, nagpadala lang si tita raquel kay lola kung kaya't may nabili kaming pang noche buena ngayon.


Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now