PROLOGUE

450 18 1
                                    

Prologue

Third Person Pov.


Malamig ang simoy ng hangin sa kabahayan ng falcon, lahat sila ay naghahanda dahil buwan ng desyembre ngayon ika-bente kwatro ng araw. Disperas ng pasko, at dahil may darating na panauhin ang mommy ni philip ay pinaghahandaan niya mamaya ang pagsasalo nila sa oras ng alas dose.

Samantalang ang binata ay nasa kwarto lang, kausap nito si winter sa pamamagitan ng video call.

Hindi nito nais lumabas dahil pipilitin lang naman siya ng kanyang ina na ligawan ang anak ng mga patria. At iyon ay si erica na kababata niya.

Ngunit hindi siya interesado, habang tumatagal ang relasyon nila ni winter ay mas lalo lang silang tumatatag, hindi na siya naglalaan pa ng oras sa ibang tao.

”May problema?” muli ay bumalik sa reyalidad si philip nang magsalita si winter. Naghahanda rin ang dalaga sa paparating na pasko, tinutulungan niya ang kanyang lola sa pagluluto para kahit papaano ay may nakahapag na pagkain mamayang noche buena sa lamesa nila.


”W-wala.” pilit na ngumiti si philip. "Iniisip ko lang kung anong oras ako pupunta diyan.”

”Makakaalis ka ba?”

”Ofcourse yes, ako pa. I want to be with you to celebrate and welcome the cristmast eve.”

”Paano ang mommy mo? Last year hindi mo na sila kasama, ayos lang ba kung wala ka na naman sa bahay mamaya?”

”Y-yes.” napipilitan pa rin ang binata na ngumiti. Sa katotohanan ay tatakas lang naman siya para makapunta sa bahay nila winter at para makasama ang dalaga.

Dahil ang totoo, ang mga patria ang darating na bisita mamayang gabi.

Ang problema niyang ito ay hindi pa man niya nasasabi sa kanyang nobya.

Wala pang ideya si winter na ang boyfriend nito ay mag soon to be fiancee na. Nais sanang sabihin iyon ni philip ngunit nag aalinlangan siya, hindi nito gustong saktan ang dalaga dahil lamang sa kagustuhan ng kanyang ina.

”Tulala ka na naman, paniguradong may iniisip ka.”

Napabuntong hininga si philip. ”Si mommy lang naman.”

”Nagtalo na naman ulit kayo?”

Ngumiti si philip. ”Wala naman bago winter, sanay na ako. Huwag mo na lang akong pansinin.”

Napabuntong hininga rin ang dalaga. Hindi siya nakapagsalita dahil madalas na binabanggit ni philip ang pagtatalo nila ng kanyang mommy. Ngunit wala siyang sinasabing rason kaya't hindi nito maiwasang isipin na baka siya ang dahilan kung bakit nagtatalo silang mag ina.


Sa kalagitnaan ng katahimikan, hindi inaasahan ni philip na bubukas ang pinto ng kanyang silid. Dahil ilang araw itong nakakulong sa kwatro simula ng mag bakasyon sila, hindi na iyon nagugustuhan ng kanyang ina.

Iniluwa ng pinto ang may masamang tingin na ginang. Matalim ang kanyang mga mata ng makitang nakahiga ang kanyang anak habang nakaharap sa cellphone nito.

”Are you going to mess your whole day to talk with non sense people?”


Umupo ang binata matapos sabihin iyon ng kanyang ina. Mabilis na nawalan siya ng kundisyon maging ang pagpatay sa video call nila ni winter ay hindi na niya nagawa pa.

”I want to rest mom, kakatapos lang ng training ko last week. What do you want me to do?”

”Nasa ibaba ang fiancee mo, i want you to intertain her until your tita yolanda came. Bumaba ka na.”

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now