Pushing him away

261 17 4
                                    

Chapter 35

Third Person Pov.

Dahil sa eksenang nangyari sa loob ng elevator. Nawalan ng malay si winter ngunit agad naman na itong nagising matapos niyang mahanginan sa isang silid. Maayos naman na ang pakiramdam nito pag-gising niya, ngunit si reese at grace na ang bumungad rito matapos ng ilang minutong pagkakatulog.

“Kumusta? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tumango si winter sa tanong ni grace bago siya maupo. Sariwa naman na sa alaala niya ang nangyari kaya hindi na nito kailangang magtanong pa.

“Pasensya na sa pag-aalala, hindi lang kasi ako sanay sa ganoong pangyayari...”

Tumango si grace sa sinabi niyang iyon. “Ayos lang, ang importante ay walang nangyaring masama sayo..”

Bumuntong hininga si winter bago ito sumulyap kay reese. Nagtataka ang dalaga kung bakit ito narito gayong nasabi niya ay abala siya. Subalit hindi na niya iyon binuksan pa, hindi na nito nais magsalita pa dahil tila ba nawawalan siya ng gana.

"Hindi ka ba nahihilo?” umiling muli si winter sa tanong na iyon ni grace. Pansin niyang wala na si philip sa paligid ngunit hindi na ito nag-usisa pa.

"Gusto ko ng umuwi.” napabuntong hininga si grace bago tumango. Inalalayan niyang tumayo si winter na maayos naman talaga ang pakiramdam.

Nakasuporta naman si Reese kahit na tahimik ito. Sa totoo lang ay naabutan nito ang nangyari kanina, magkalapit sila winter at philip ng bumukas ang pinto ng elevator. Iniisip ni reese na baka kung hindi siya dumating ay may ibang mangyayari pa.

Sigurado lang na maglilikha iyon ng gulo at maiipit muli ang dalaga.

“Let's go?” tumango si winter bago buksan ni Reese ang pinto ng silid. Hinayaang mauna ng binata ang dalawa bago ito lumabas. Walang nagbibigay imik sa kanilang tatlo dahil may alitan ang dalawa. Si winter naman ay nais lang nitong manahimik kahit na maraming gumugulo sa isip niya.

ISANG ORAS ng maihatid sila ni Reese sa apartment. Hindi na nagtagal pa ang binata roon dahil lumisan din ito pagkahatid sa dalawa.

Nasabi nito kay winter na hindi naman niya kailangan pumasok bukas kung masama pa ang pakiramdam niya. Ngunit sumagot ang dalaga at sinabi nitong makakapasok siya dahil kaya naman na nitong magtrabaho.

"May nabanggit sa akin si reese.” nakaupo ngayon si winter habang umiinom ng tubig. Nasa gilid niya si grace habang nagsasalin ito ng sabihin niya iyon. "Tungkol sa nangyari kanina."

"Alam ko, grace." Dahil sa sagot ni winter. Umikot siya patungong harapan nito ng may pagtataka.

"Anong alam mo?"

"Alam kong hindi dapat ako napapalapit kay philip. Alam kong nakita niya kami sa ganoong pusisyon at mali iyon."

Hindi sumagot si grace dahil iyon sana ang tinutukoy niya. Alam naman na ni winter na mali iyon dahil kung sakaling naroon ang fiancee ni Philip ay tiyak na magtatalo sila.

"Dapat ay iwasan ko na siya at huwag ng mapalapit pa sa kanya, para wala na 'ring gulo."

"Magagawa mo bang iwasan s'ya kung bussiness partner nito si reese?"

"Pwede ko s'yang pagsabihan once na kausapin niya ako, didiretsuhin ko na ito."

Bumuntong hininga si grace, concern lang naman ito sa kaibigan niya dahil nga may nakaraan sila ni philip. Kung sakali man na magkakalapit silang muli ay siya rin naman ang masasaktan.

Dahil sa sinabing iyon ni winter. Hindi na gumawa pa'ng sumagot ni grace o magtanong pa. Hinayaan na muna niya ang dalaga na magpahinga hangga sa umabot ang kinabukasan.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now