Fight for love

144 12 3
                                    

Chapter 12

Winter Pov.

KINABUKASAN....

TINULUNGAN kong tumungo si lola sa  puntod ni lolo upang bisitahin ito. Kaarawan ngayon ni lolo kung kaya't nagdala kami ng pancit palabok doon. Si lola mismo ang nagluto dahil kung minsan ay limitado lang ang pancit na may roon nito sa manila.

Karamihan ay hindi nagugustuhan ni lola ang pagkakaluto nito kung bibili kami sa labas. Kung kaya't siya na mismo ang nagluto kaninang maaga upang hindi kami abutin ng tanghali dito sa sementeryo.


“Mahaba na masyado ang ibinigay na araw sa atin ng buyer..” hindi ako nakasagot sa inusal ni lola. Mahigit dalawang buwan na kaming hindi pa umaalis sa bahay kung saan may iba ng nagmamay-ari nito. Naka-impake na kami ngunit ang resulta lang ng board exam ang aming hinihintay. Ngunit dahil iyon nga ang nangyari, bigla'y nawalan na ako ng gana.

Nakapag-pasya na rin akong tumungo na ng probinsya sa susunod na linggo. Siguro'y saka na ako susubok muli, magpapahinga muna ako at maghihintay ng susunod na taon upang makapag-exam muli..

“Sa susunod na linggo po, baka pwede na tayong umalis..” mataman kung tumingin sa akin si lola. Tila ba tinitimbang niya ang reaksyon ko sa aking sinabi. Sa totoo lang, malaki ang aking pagkakabigo. Ngunit wala naman na din akong magagawa kung iyon ang nangyari.

“Sigurado ka ba sa desisyon 'mong iyan?”

Tumango ako kay lola. “Sa susunod na taon na lamang ho, la. Siguro naman magiging maayos na po iyon.”

Bumuntong hininga si lola habang nakatingin sa akin. Kalaunan ay tumango ito at muling tumingin sa pangalan ni lolo.

“Paano naman na ang nobyo mo'ng si philip?” panandalian akong natigilan sa tanong ni lola. Iniisip ko naman na si ashong kung sakaling aalis kami, ngunit sa tingin ko. Mas mabuting malayo na muna ako sa kanya dahil masyado na itong nakadepende sa akin. Pansin ko iyon sa mga nagdaang araw, tila ba kaya nitong bumagsak huwag lang akong mawala. Kahit mawala na sa kanya ang lahat basta nasa tabi lang niya ako ay okay lang siya.

Pero ayoko 'non.

Ayokong nagkakaganon siya ng dahil sa akin.

Ayokong hinahayaan niyang bumaba ang sarili niya dahil lamang sa pagmamahal na ibinibigay nito sakin. Nakakalimutan na nito ang sarili niya, ultimong pamilya at pangarap nito'y hindi na niya iniisip. Para bang nasa isip lamang nito ay ang pagmamahalang meron kami, at ang future na mangyayari sa amin.

“Maiintindihan naman po siguro ni philip iyon, at saka ho. Nagkakagulo sila ng magulang niya ng dahil sakin, gusto ko na po sanang sukuan si philip ang kaso nga lang ho naaawa ako sa kanya...” tumango si lola sa sinabi ko.

“Alam ko ang nangyayari sa inyo kahit hindi ka magsabi. Kilala kita sa tuwing may problema ka, pero alam ko naman na matatag ka. Malalagpasan mo rin ang lahat ng iyan, sa ngayon kailangan mo lang munang magtiis.”

“Sa tingin niyo po ba magiging maayos pa rin kami ni mrs falcon? Hindi po talaga niya ako nagugustuhan, may iba ho siyang babae na natitipuhan para kay philip..”

“Kung ikaw rin naman ang pinipili ng anak niya, huwag mo dapat ipangamba ang bagay na iyon. Basta't nasa iyo ang puso ni philip, hindi ka matatalo..” nagbaba ako ng tingin. Alam kong mahal na mahal ako ni ashong, sa sobrang pagmamahal nito sakin. Umaabot na sa puntong sinasagot at kinakalaban na niya ang kanyang magulang. Hindi ko sana nais kunsintihin ang pagmamahalan namin ngunit anong magagawa ko? Mahal ko na rin si ashong at siya lang halos ang nagbibigay lakas sa akin. Para bang kay hirap bumuo ng desisyon kung alam kong masasaktan siya.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now