SOLD TO Mr FALCON

175 15 6
                                    

Chapter 24

Winter Pov.

HINDI ko inaasahan ang pagki-kita namin ni ashong kanina. Sa mahigit anim na taong lumipas, hindi ko na iyon iniisip pa.

At dahil sa kaalamang siya ang taong bibili sa pwesto ng paaralan. Hindi ko maiwasang mag-isip ng iba‘t-ibang detalye kung bakit iyon pa, bakit dito pa kahit na alam niyang naroon ako.

May rason ba siya kung bakit niya napili ang paaralang iyon?

Hindi ko nais mag-isip ng ibang scenario sa isip ko. Nais ko lamang maging maayos ang lahat. Kung itutuloy pa rin nito ang balak na bilhin niya ang lupa, hindi ako magdadalawang isip na puntahan siya sa kanyang opisina upang kausapin ito.

Alam ko‘ng magiging mahirap iyon para sa akin. Ngunit alam ko‘ng mapakiki-usapan naman ng maayos si philip kung kukumbinsihin ko itong humanap na lang ng ibang lupa. At huwag na itong paaralang iniingatan namin.

“Sigurado ka ba‘ng si philip talaga ang bibili sa pwesto ng paaralan?” tumango ako sa tanong ni papa. Araw na ng lunes, alas sais pasado na at kaming dalawa na lang ni papa ang nasa bahay. Umalis na kasi si mama upang tumungo ito ng bakery at matulungan ang mga tindera namin doon.

“Nakita ko po siya noong sabado, naroon po ito. Kinukuhaan nila ng nga litrato ang ilang sirang gusali..”

“Baka hindi naman talaga si philip ang bumibili, anak. Ang sabi mo, may kasama siyang babae. Baka iyon talaga ang buyer?” hindi ako nakasagot sa tanong ni papa. Iniisip ko rin iyon, pero malinaw naman sa akin na si philip ang nakikipag-usap sa principal. At saka, pwedeng silang dalawa din ang bumili ng lupa. Magiging mag-asawa naman na sila, o baka mag-asawa na sila.

Hindi ko malaman kung bakit naging kakaiba ang pakiramdam ko. Dahil lamang naisip ko na baka mag-asawa na sila, para ba‘ng nawala ako sa kundisyon.

Pero alam ko sa sarili na hindi ko dapat maramdaman ito. Dapat maging masaya na ako, alam ko‘ng noon pa man ay hindi talaga kami para sa isa‘t-isa ni philip. Hindi kami pareho, at alam ko na ang mga bagay na hindi dapat ipaglaban pa.

“Nga pala, nag-usap ba kayo ni philip?” umiling ako sa tanong ni papa.

“Nagmamadali po silang umalis. Siguro, sinuri lang nila ang kabuuan ng lupa..”

Bumuntong hininga si papa. “Kung si philip nga ang taong bibili ng lupa. Paano mo siya kakausapin? Hindi ba‘t hindi naging maganda ang paghihiwalay ninyo noon?” bumuntong hininga ako. Alam ko‘ng hindi nga naging magandang ang huling pag-uusap namin. Pinagtabuyan ko siya, sinaktan ko ito at kung ano-ano ang sinabi sa kanya. Siguro nga ay deserve ko naman ng hindi pansinin ni philip. Ngunit alam ko‘ng tuluyan ng magkakalapit ang landas namin kung siya nga ang totoong buyer ng lupa.

“Nakaraan naman na iyon, pa. Sigurado naman akong nakalimutan na iyon ni philip. Mukhang bigatin na po talaga siya, kung ano po iyong nangyari sa amin noon. Wala na ‘yon..” tumango si papa sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi makakalimot sa loob ng anim na taon. Matagal ng panahon ang lumipas simula ng umibig ako, at hindi ko iyon sinubukan pa. Hindi ko alam kung bakit, kahit marami naman ng sumubok manligaw. Hindi ko sila binibigyan ng oras at agad ng sinasabing hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon.

Sa ngayon, focus muna ako sa pamilya ko. Hindi pa naman na masyadong matanda ang edad na bente otso, siguro‘y makakahanap din ako ng isang lalake na muling paiibigin ang puso ko.

HINATID ako ni papa mga alas siete pasado na. Alas otso pa naman ang klase namin dahil may flag ceremony pa ang mga bata. Sakto lamang ang dating ko ng maabutan ko na silang nakapila, nagtungo ako sa gilid ng stage kung nasaan naroon din ang mga kapwa ko guro.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now