Angelina's Plan

164 11 0
                                    

Chapter 7

Winter Pov.

Matapos ng practice namin, agaran akong pinuntahan ni ashong sa pwesto ko. Hindi pa man nangangalahati ang mga studyanteng lumalabas ngunit nakisiksikan na ito upang malapitan lang ako sa aking kinatatayuan.

Normal na sa akin ang makarinig ng bulung-bulungan, ang ilang sa mga studyante ay nakatingin lang sa amin ngunit wala naman ng sinasabi, ang hindi lang makaget-over ay yung mga babaeng may gusto pa rin kay ashong hangga ngayon.

”Sabay na tayo.” aniyang sabi sakin at walang tanong tanong na kinuha ang aking bag. Hindi ako umapila dahil isinabit na rin niya ito sa balikat niya, hinawakan niya ang pulsuhan ko at gaya ng ginawa nito kanina.  Nakipagsiksikan kami para lang makalabas ng gym, hindi nito binibitawan ang kamay ko hangga sa marating namin ang oval, huminto siya at humarap sa akin. "Gusto ko ng matapos ang pag-aaral ko dito, ayoko na sa mga toxic na studyanteng nakapalibot satin.” nakasimangot siya bago mag-iwas ng tingin, panigurado lang na narinig niya ang pag-uusap ng ilang classmate ko kanina dahil malakas ang pandinig ng lalakeng 'to.


”Two weeks na lang naman, ashong. Makapagtatapos na tayo.” bumuntong hininga siya habang nakatingin sa akin.

”Im sorry if i can't do something about them, pero gusto ko silang saktang lahat!”

"Hindi naman 'yon ang solusyon, hindi dinadaan sa dahas lahat ng bagay. Ang mas mabuti, hayaan mo na lang sila. Masasayang lang ang oras mo.” mataman na nakatingin siya sakin at sigurado lang na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko, ngunit wala din naman siyang magagawa kung iyon na ang siyang naging pasya ko. Ayoko lang talaga ng gulo, mananahimik rin sila at magsasawa.

”As usuall, your still choosing to be patience. Sayo ko yata matutunan kung paano balewalain ang hindi dapat pagtuunan ng pansin, maybe your right. Were just going to waste our time, dapat yung sa atin na lang ang isipin natin, hayaan na lang natin ang ibang tao..”

Tumango ako, nakangiti. Masaya ako na naunawan ni ashong ang nais kong sabihin. Medyo hindi na ako nahihirapang kumbinsihin siya dahil kung hindi ko gagawin 'yon, masasaktan talaga ang mga babaeng umaapi sa akin lalo na ang nagbibigay negatibong komento sa aming relasyon.



ALAS SAIS ng maihatid ako ni ashong sa bahay, may dinaan pa muna kasi kami bago umuwi. Nasa sala si lola kaya't agad niyang nakita ang pagdating namin, naroon na rin ang buyer ng bahay kung saan magkaharap silang nakaupo sa sala.

"Magandang gabi po.” bumati ako sa mag-asawa, nginitian nila ako bago sumenyas ang ginang na maupo muna ako saglit sa tabi ni lola. Sinunod ko ang nais nito, naupo ako roon habang nasa likuran ko na ngayon si ashong.

"Ibibigay na namin lahat ng kulang ngayon, para wala na kaming iisipin pa at mailipat na sa amin ang titulo ng lupa.” hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya, nakatitig lang ako rito bago ko lingunin si lola na nakatingin sa akin. Ngumiti siya, hindi ko talaga alam kung ayos lang ba talaga kay lola ang ipagbili itong bahay na ito, biglaan kasi ang desisyon niya. At baka iniisip lang nito ang gastusin sa bahay bago kami umuwi, ngayong araw kasi ay nagpadala si papa. Ang kaso lang, limang libo lang 'yon. Magbabayad kami ng ilaw at tubig na halos mahigit dalawang libo, at yung sobra ay ang siyang magiging budget ko. Hindi naman na din ako magastod, sa totoo lang. Nakakatipid ako dahil kay ashong, may natitira pa akong allowance dito at aabot pa iyon ng katapusan.

”Sa ikalawang linggo pa po ang graduation ko, baka this february po ay magtatake pa muna ako ng board exam bago kami umalis dito sa manila.” tumango ang ginang maging ang asawa niya.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now