Both Suffering

177 11 3
                                    

Chapter 15

Third Person Pov.

Dahil sa nangyaring resulta kanina sa ATM card ni winter, hindi nito napigilang pumunta sa mansyon ng mga falcon upang komprontahin si angelina. Hindi ito makapapayag na ganon na lamang ang gagawin sa kanila ng babaeng kinamumuhian niya ngayon.

Hindi sana nito nais humantong sa sitwasyong ito ngunit sumusobra na ang ginang at hindi na makayanan pa ni winter ang kasamaan niyang ito.

Bakit sila nilinlang ng ginang gamit ang pekeng resibo? Alam ni winter na na-isend na ang huling bayad sa account nito ngunit hindi niya iyon tingnan ng mga panahong magbayad ang mag-asawa. Tiwala naman na din kasi siya dahil noong unang bayad ay nakita nito ang resulta.

“You don't need to do this now, winter. We need to call police or attorney, maaari natin siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawa niyang ito.” umiling ang dalaga sa sinabing iyon ni calix, nakasakay sila sa kotse ng binata habang tinatahak nila ang daan patungo sa mansyon nila philip.

“Hindi na iyon kailangan, calix. Hindi naman ako ganoon kasamang tulad niya, kakausapin ko lang ito. Ipaliliwanag ko na sa kanya ang lahat at tatapusin ko na kung anong nais niyang mangyari.” panandalian siyang nilingon ni calix dahil sa sinabi niyang iyon. Kilala nito si winter, dahil matagal silang nagkasama simula bata pa lang. Alam niyang matatag ito at malinis ang kanyang hangarin, kahit masaktan siya, kahit pumailalim ito gagawin niya para sa kanyang minamahal.

“Then, if that's what your decision. I will still support you, hindi kita iiwan  Narito lang ako sa tabi mo bilang kaibigan.” bahagya siyang nginitian ng dalaga dahil alam ni winter na naiintindihan siya ni calix.

“Salamat..”

“I know this is hard for you, hindi muna iniisip ang sarili mo. You can't risk everything to get all the things better. Your putting a solution in your own problem na sana'y katuwang mo si philip, but you still choose to let go.”

Nag-iwas ng tingin si winter bago nito kagatin ang kanyang pang-ibabang labi. “Malaking hadlang sa relasyon namin si mrs angelina, hindi kami sasaya kung may pilit na sumisira sa amin. Nasasaktan ako dahil mismong magulang niya ang may ayaw sa akin, iyon ang siyang nagpapahina sa pagkatao ko. At alam kong magiging maayos ang lahat kung bibitaw na ako, alam ko namang wala na akong pinanghahawakan. Mahal ko si philip, pero may mapapala ba ang pagmamahal kong ito kung unti-unting nawawala sa amin lahat?”

Hindi nakasagot si calix sa mahabang sinabing iyon ni winter. “Alam kong, darating ang araw na maiintindihan ako ni ashong. Mauunawan nito ang desisyon ko at hindi niya ako kamumuhian.”

Tumango si calix. “Ipaunawa mo ng maayos kay philip. Mag-usap kayo, bago ka umalis.” dahil sa sinabing iyon ni calix, hindi siya nakasagot. Tila ba hindi niya kayang harapin sa ngayon si philip dahil alam niyang ang binata ang kahinaan nito. Baka lumambot lamang muli siya sa oras na magkita sila.

“H-hindi na sana ako m-magpapa-alam pa kay ashong. Uuwi ako ng hindi na siya kikitain o ano man, nag-usap na kami sa cellphone kagabi. Nakipag-hiwalay na ako sa kanya.” nangunot ang noo ni calix bago ilingan ang sinabi ng kaibigan.

“Maling mali 'yang ginawa mo, winter. Sa tingin mo ba tatahimik lamang si philip kung hindi ka man lang nito nakausap ng personal? Did you think this is enough for him? Of course he need a validated reason for his girlfriend, ipaliwanag mo. Sabihin  mo ang totoo, hindi iyong tatalikuran mo na lang siya. Mahirap ang walang closure, wen. I told you.”

Napapikit si winter bago bumuntong hininga. “I-im scared, c-calix. M-mahal ko siya, h-hindi ko siya kayang saktan ng harapan. Ayos lang sakin na sarilihin ang sakit, pero ang makita siyang umiiyak ng dahil sakin, hindi ko k-kaya...”

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now