Decisions and Letting go

183 11 4
                                    

Chapter 11

Winter Pov

Nasa Kwarto pa rin ako matapos kong mabasa ang naging resulta ng exam kanina.

Hindi ko akalain na magkakaganoon bigla, hindi pumasok sa isip kong babagsak ako at unti-unting maglalaho lahat ng pinapangarap ko sa isang iglap lang.

Wala akong ibang maisip kung bakit at paano nangyari ang bagay na iyon. Alam ko naman sa aking sarili na pinaghandaan at minabuti ko ang exam na iyon, doon nakasalalay ang aking kinabukasan kung kaya't binuhos ko lahat ng oras ko sa pagrereview araw-araw. Ngunit bakit nangyari ito? Bakit pumalya at hindi ako nasali sa mga pasado?

Hinagod ko ang aking buhok habang nakaupo sa kama. Sa sobrang katahimikan sa loob ng aking silid ay halos naririnig ko ang mabibigat na yapak senyales na may umaakyat ng hagdan. Huminto iyon sa tapat ng aking pintuan, ilang segundo lang din ng marinig kong kumatok ang taong naroon sa labas.

Biglang sumagi sa isip ko si ashong, ngayong araw na ito ay dapat sanang papasa siya sa interview kung hindi lamang ako nagmatigas kanina sa mommy niya. Ngunit dahil sumagot pa ako at malamang na hindi iyon nagustuhan ni mrs angelina, tiyak na may kinalaman ito kung bakit hindi natanggap si ashong sa trabahong papasukan sana niya.

”Winter?” dinig ko ang boses ni ashong bago ito kumatok ng isang beses pa. Humugot ako ng mahabang paghinga bago tuluyang tumayo upang pagbuksan ng pinto si ashong.

Agad nagtama ang aming mata ng sandaling mabuksan ang pinto. Kumpara kanina, maayos na ang mukha ni ashong habang nakatingin sa akin. Ngunit para sa sarili ko, hindi ko na halos masabi kung okay pa ba ako. Masyado ng nanghina ang buong pagkatao ko at tila ba nawalan bigla ako ng lakas humarap sa kanya.

”Huwag mo ng isipin ang tungkol sa trabahong iyon, maraming ibang kumpanya ang mapapasukan ko...” hindi ako sumagot sa sinabi ni ashong, nag-iwas lang ako ng tingin bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kwarto ko. ”Bakit ba bigla ka na lang umalis kanina? Ayos lang naman ako, hindi iyon big deal sakin.”

”Bakit hindi mo na lang kasi kausapin ang mommy mo?” iwas ang aking tingin matapos kong sabihin iyon. Alam kong nagtataka siya ngayon kung bakit bigla itong lumabas sa bibig ko, ngunit napakahirap kasing itaboy ni ashong palayo sakin, hindi ko kaya. Hindi ko alam kung paano siya sasaktan upang siya mismo ang lumayo sakin, kahit alam kong masasaktan ako.

”What are you talking about winter?” hinawakan niya ang pulsuhan ko ngunit nanatiling hindi ko ito tiningnan. Ayokong tumingin sa kanyang mata, ayokong nagtataka siya sa nangyayari sakin.

”Mas mabuting makipag-ayos ka na lang sa mommy mo, may sarili kang kumpanya. Bakit kailangan mong pumasok sa iba? Doon ikaw mismo ang CEO, ikaw ang siyang magmamando ng lahat at hawak mo ang buong oras mo, nasa sayo kung papasok ka o hindi. Pero sa mga papasukan mo, you need to work almost twelve hours with a small salary, pero doon sa inyo mayaman ka...”

Hindi siya sumagot sa sinabi ko, mabilis ang aking paghinga habang nararamdaman ang pagluwang ng kamay niya sa pulsuhan ko. Unti-unti nga niyang pinakawalan ang aking kamay upang tumungo sa harapan ko, hindi ako tumingin sa kanya kahit na alam kong mariin ang titig niya sa akin ngayon.

”Why are suddenly saying this, winter?" hinawakan niya ang aking baba upang iharap nito ang mukha ko sa kanya. Bahagyang umawang ang aking bibig ng makita kong kunot na kunot ang noo nito habang namumula ang mata. ”Hindi mo naman ako hihiwalayan hindi ba?”

Marahan na napalunok ako sa tanong niya, naguguluhan ako. Hindi ako makapagdesisyon ng tama dahil sa sunod sunod na nangyari ngayong araw, hindi ako makapag-isip ng maayos dahil biglang nablanko ang isip ko sa pagbagsak ko sa LET exam.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon