Chapter 42

8.9K 200 53
                                    

Happy Chantel Choi POV

Habang tulog si Kalie at Dannielle. Bumangon na ako para mag coffee. Tulala ako habang nakatitig sa coffee cup. Ang sakit ng katawan ko at pati ng ulo ko. Hindi ako nakatulog kaiisip ng magandang paliwanag.

Kagabi after namin mag shower, mabilis lang na nakatulog si Dannielle, inaasahan ko na kakausapin nya ako pero hindi sya nag-open ng usapan about kay Kalie. Sana hindi nya ako kamuhian ng sobra, hindi ko din naman yun ginusto. Malay ko ba na wala naman saamin nangyari ng kapatid nya at isa pa natakot din ako sa Daddy ko na baka ipatapon ako sa Korea at ipatanggal ang baby ko.

Narinig ko na bumukas ang pinto ng room, kaya napahinto ako sa pag-iisip. Lumingon ako doon at lumabas mula sa pinto si Dannielle karga nya si Kalie na kagigising lang. Napalunok ako at kumabog ang dibdib ko. Kinuha ko yung kape at humigop ng unti para pakalmahin yung sarili ko. Kaso parang lalo lang akong pinagpawisan.

"Good morning Chantel, kanina ka pa gising?" Tanong nya, napatitig ako sa mga mata nya habang naghahantay na i'confront nya ako about kay Kalie. Nag simula ng gumigilid ang luha ko. Pero ngumiti lang sya.

"Magluluto lang ako ng breakfast, ano bang gusto mo?" Tanong nya.

"T-Teka... Hindi ka ba gal―" nahintuan ako sa sasabihin ko kasunod ang malalim na paghinga.

"Meron dito'ng, egg, bacon, ham, lettuce.. gusto mo ba ng sandwich? o mag fried rice nalang tayo?" Sunod na tanong pa nya na tila nag di'divert sya ng usapan.

Ayaw nya ba akong tanungin? Awayin? Murahin? Sigawan? Pagkatapos kong itago sa kanya si Kalie ng ilang taon? Tao ba talaga sya? Nakakainis...Hindi ko sya maintindihan, hindi ko sya mabasa. Mas gusto ko na makita nalang syang galit kaysa sa ginaganito nya ako. Umaakto sya na parang wala lang.. feeling ko tuloy may aftermath ang pagiging kalmado nya.

"Chantel.. kanina pa kita tinatanong?"

"Ako na gagawa ng breakfast.. marunong naman ako magluto." Saad ko saka ako tumayo para magtingin sa fridge ng pwedeng lutuin.

Inasikaso nya si Kalie, habang nagluluto naman ako ng breakfast. Paminsan-minsan sinisilip ko silang dalawa. Friendly din talaga itong anak ko, kahit saglit palang nya nakakasama si Dannielle ay talagang feeling closed na. Kelangan ko yata syang turuan nang 'Don't talk to strangers..' I mean sa iba lang, pero syempre sa Dada nya okay lang na maging closed sila.

Habang nagluluto ako, naramdaman ko na yumakap mula sa likuran ko si Dannielle at hinalikan ako sa shoulder. Tinignan din nya ang balikat ko at hinawakan yun.

"I'm sorry last night kung nakagat kita dito.. nainis kasi ako sayo." Saad nya, kasunod ang mahinang pagtawa.

"It's okay, I owe you an apology because I haven't told you about Kalie."

Sumubsob sya sa leeg ko habang mahigpit na nakayakap sa bewang ko. "I love you Chantel..I want to take my emotions out on you, but what's the point? Nangyari na diba?.. All I want now is to start a new life together with you and Kalie as a family."

Napangiti ako at saka humarap sa kanya para halikan sya.

"I love you too Dan..No matter how long we've been apart, hinding-hindi ka nawala sa puso at isipan ko. Kahit na anong pilit na pag iwas sayo, ikaw parin ang hinahanap ko. Sa tuwing gabi na umiiyak ako, pangalan mo ang tinatawag ko. You're the only one I ever fell in love with like this, Dannielle. "

"Hinding-hindi ako papayag na malayo ulit kayo saakin. You two are my family now and we ought to raise Kalie together.. hmmn Chantel?."

Tumango ako at napangiti. Wag ka mag alala hindi na kita iiwan...Dannielle.  Inayos ko ang sarili ko at muling tumitig sa kanya.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon