Chapter 21

7.2K 208 11
                                    

Happy Chantel Choi POV

Kinabukasan, bumaba ako patungong sa Dining area para mag almusal. Nandon si mommy at si Daddy pero si Kuya Harry wala.

"Good morning Mom, Dad. Where is Kuya?  pumasok na sya sa work?"

"Di ko pa nakikita, baka pumasok na." Sabi ni Mommy.

"Di pa po bumababa si Sir. Harry." Si Yaya Inday na napadaan lang.

Kaya imbis na mag aalmusal na ako ay pinuntahan ko muna si Kuya Harry sa room nya.

"Kuya?" Tawag ko sa kanya sabay katok sa pinto ng ilang beses. Pinihit ko yung doorknob nya at bukas naman yun. Nakahiga pa sya sa bed nya at natutulog.

Nilapitan ko sya at tinapik yung muka nya. Medyo gumalaw naman sya at dahan dahan nyang dinilat ang mata nya.

"Wala kang pasok?" Tanong ko.

"Anong oras na?" Balik na tanong nya.

"7:00 am." Sagot ko.

Agad syang napabalikwas sabay hawak sa ulo nya. Napailing tuloy ako sabay natawa. Napatingin lang sya saakin saglit at saka nagmadaling bumangon.

"Syet! Bakit di ko narinig yung alarm? Late na ako siguradong magagalit na si Doc Bernardo  sakin." Saad nya.

"Lasing kayo ni Claude kagabi, naalala mo ba? Na halos di na kayo makalakad? Inalalayan na nga lang kayo ni Doc Lee at Papa Cyn."

"Fvck! Did I say something weird last night?" Tanong nya.

"Wala naman, tahimik ka nga kagabi."

"I screwed up, Sis. Fvck! I vaguely remember, but I guess I said something weird last night?

Napailing nalang ako, anong pinagsasabi nya? Eh halos di nga sya makausap kagabi. Anyway mukang normal na sya, kaya iiwan ko na sya dito.

Nagtungo na ulit ako sa dining area at nag'almusal. Maya maya dumating si Kuya Harry. Kumuha lang sya ng tinapay at agad na umalis.

"Anong nangyari sa kuya mo?" Tanong ni Daddy.

"Ganyan talaga sya Dad, normal sya pag ganyan." Sagot ko.

After ko mag-almusal, papasok na din ako sa work. Ang hirap ding araw araw na mag commute. Dati nagdidrive naman ako, simula ng mabunggo ako natakot na ako. Ilang buwan na din ang lumipas pero hanggang ngayon may trauma parin ako. But I guess it's about time na labanan ko na ang fear ko. 

Kaya naman kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at saka sinimulang buksan ang engine at nagsimulang magdrive.

Maayos akong nakarating sa Ospital, at nakakatuwa lang dahil feeling ko di na ulit ako takot magdrive, medyo iiwasan ko nalang muna siguro yung mga malalaking daan.

Duty ulit. Syempre dito parin ako nakaduty sa Unnatural Death Morgue. Minsan pati mga corpes kinakausap ko na pag tinatamaan ako ng boredom.

"Happy, sumama ka sakin sa Mortuary." Utos ni Papa Cyn.

"Nasan ba ako ngayon? Diba nasa Mortuary?" Sagot ko.

Tinignan nya ako ng masama at dahan dahan na lumapit saakin.

"Papa Cyn, muka kang sinapian kaya wag ka ngang tumingin ng ganyan." Saway ko sa kanya, pero palapit parin sya saakin.

Inatras ko tuloy itong swivel chair hanggang makarating ako sa mortuary Cabinet.

"Pilosopo ka talaga Happ'ya ka."

"Anong gagawin mo? Isusumbong kita kay Monique." Saad ko saka ako tumayo.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon