Chapter 24

6.6K 199 8
                                    

Happy Chantel Choi POV

After ng duty mabilis akong umuwi sa bahay para maligo at magpalit ng damit. Syempre dinner with friends dapat mabango at fresh. Pagpasok ko sa bahay agad na sumalubong saakin si Mommy na halatang busy parin.

"Kumain ka nalang dyan anak."

"Sa labas kami kakain Mom, with friends dumating na kasi si Doc Anderson at Bianca kasama yung kambal nila na sobrang cute."

"Ay, kamo kay Bianca dalawin nya kami dito isama nya ang mga anak nya. Nakita ko sa Albany Pediatric Unit yung pictures nila ang cute. yung kambal kaya ang model dun."

"Ano naman ginawa nyo sa Pediatric Unit?"

"Sinamahan ko yung friend ko, eh diba nga nanganak pa kahit tanders na ayun pinapacheck-up nya yung baby. Ang daming ngang bata dun, ang cute pa.. naisip ko lang kelan kaya ako magkaka-apo? Wala ba kayong balak mag-asawa ng Kuya mo?"

"Wala.." mabilis na sagot ko. Napailing tuloy si Mommy at napahawak sa noo nya.

"Sumasakit ang ulo ko sa inyo. Sinasayang nyo ang lahi natin. Inday penge nga ng water at nasstress ako." Saad nya saka sya naglakad papunta ng kitchen. Natawa tuloy ako.

Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo. After ko maligo, mabilis akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ko, bumaba na ulit ako at nagtungo sa parking saka mabilis na nag drive papunta ng bahay nila Bianca.

Pagdating don, nandun na silang lahat ako nalang pala ang hinahantay.

"Nandito na si Happy, tara na?" Saad Doc Anderson, saka nya inabot yung susi ng sasakyan kay Kuya Harry dahil si Kuya ang magdidrive ng van.

Habang nasa biyahe kami, nagkukwentuhan lang kami ni Hope about sa work. Then suddenly biglang bumulong saakin si Hope.

"Kayo na ba ni Doc Lee?" Nakangiting bulong pa nya

"Hindi.. pero Crush ko sya Hope." Pabulong na sagot ko.

Bigla kaming napatili ni Hope kaya napatingin silang lahat saamin.

"Ang landi nanaman nyan ni Happy.." saad ni Kuya Harry.

"Di ka parin nagbabago Happy." Natatawang saad naman ni Doc Anderson.

Pinagpatuloy namin ni Hope yung usapan namin. Paminsan'minsan napapatingin saamin si Monique, sumesenyas pa sya na gusto nya tumabi saamin pero di sya makalipat ng pwesto kasi katabi nya si Papa Cyn.

"Happy, kanina ka pa tinitignan ni Doc Lee." Bulong ulit ni Hope. Napangiti ako sa kilig pero pigil ang pag tili ko. Baka kasi may masabi nanaman si Kuya Harry. Pinapahiya pa naman ako nyan minsan.

"I know, kanina ko pa napapansin as in." Bulong ko din sa kanya. Parehas kaming kinikilig ni Hope. Pero naputol ang kilig moments namin ng makarating na kami sa restaurant.

Pagkadating namin  sa table kung saan kami pupwesto ay agad akong umupo, katabi ko si Monique at sa kabila naman na chair ay bakante.   Nakita ko si Doc Lee na palapit sa pwesto ko kaya lihim akong napangiti. At gaya ng inaasahan ko umupo nga sya sa katabi kong upuan.

"Hey Chantel, you look gorgeous sa dress mo."

"Ay Oo Doc Lee, palagi talaga akong gorgeous." Sagot ko.

Napangiti naman si Doc Lee saka nya nilapag yung cellphone nya sa ibabaw ng table. Magsasalita na sana sya pero tumunog yung cellphone nya. Kaya napatingin kaming dalawa dun. Mabilis nyang  pinatay yung call at tinaob yung phone nya.

"Chantel, next week I intend to go to Manila because it's my mom's birthday, I told her about you and she said, she wants to meet you. Are you available for the weekend?"

"Yes, wala naman akong gagawin sa weekend. Pero hindi ba nakakahiya?"

"No, gusto ka makilala ni Mommy."

"Sige Doc Lee, para makilala ko din yung mommy mo." Nakangiting sagot ko.

"Thank you.."

Ngumiti ako, at pinagmasdan lang yung muka nya. Bakit ba mas maganda pa sya saakin? Ano ba yan balat palang wala na akong sinabi. Natawa tuloy ako muka nanaman akong ewan. Tinawag ni Papa Cyn si Doc Lee at mukang mag-usap sila nila Professor Kate at Doc Anderson.

"Ang tagal naman ng pag serve nila ng food,nagugutom na ako." Reklamo ni Bianca.

"Kaya nga―"  Napahinto ako sa pagsasalita ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ni Doc Lee.  Kinuha ko yun para sana ibigay sa kanya pero ng tinignan ko yung screen ng phone pangalan ni Céline ang nakalagay dun.

Napalunok ako, at parang kumirot ang puso ko. Nagpapansin nanaman itong babae na ito. Kaya sa sobrang inis ko pinatay ko yung call ni Céline. 

"Bakit mo pinatay? Baka important yung call." Saad ni Hope.

"Hindi importante yun." Sagot ko. Nakasimangot ako saka umupo. Ilang saglit pa tumunog nanaman yung phone nya at napatingin ako kay Doc Lee, busy parin sya makipag usap at mukang di nya naririnig yung phone nya. Kaya naman kinuha ko ulit yung phone nya at sinagot yung tawag.

["Dan? Thank goodness you're responding to my call."]

Napaismid ako, ang landi ng boses ng babae na to. Nakatingin saakin yung mga Kaibigan ko at kahit si Bianca halatang nagtataka dahil siguro pinakialamanan ko yung cellphone ni Doc Lee.

["Dan? Are you there? Sweetheart?"]

"Sino ka?" Sagot ko.

Di sya nakasagot at tumahimik sya ng ilang segundo. Tinignan ko pa yung screen akala ko kasi wala ng call pero meron pa naman.

["Sino ka din? Bakit hawak mo yung phone ni Dan?"]

"Ako ang unang nagtanong sayo gurl, bakit ka ba tumatawag kay Doc Lee? Bakit nabuntis ka ba nya at naghahabol ka ng sustento sa anak nyo?" Naiinis na sabi ko. Narinig ko ang pagtawa nya. At yung tawa nya sounds na nang-iinis din.

["Bakit Girlfriend ka ba ni Dan? Kasi kung Girlfriend ka ni Dan, titigilan ko ang pagtawag sa kanya. Pero kung hindi, wala kang 'K' na mag maganda."] Sagot nya. Para tuloy umakyat ang dugo ko sa muka ko dahil sa inis sa babae na ito.

["Kilala ko si Dan, we've been together for years at may nangyayari saamin, nagde'date, at lahat ng ginagawa ng normal na mag jowa ay nagagawa namin pero never ever na pumasok si Dan sa isang seryosong relationships. Kaya kung ako sayo wag ka magpakafeeling dyan at wag ka na din umasa na bibigyan ka nya ng label."] Dugtong pa ni Céline.

Natulala ako bigla at di na nakapagsalita pa. Nanginginig ang katawan ko sa inis sa babaeng ito. Kung nandito lang sya sa harapan ko sasabunutan ko talaga sya. Pinatay ko yung call at nilapag ko yung phone nya sa table.

"Okay ka lang Happy?" Tanong ni Monique. Umismid lang ako at di nagsalita. Dumating na din yung food kaya si Doc Lee bumalik na din sa pwesto nya. Nagsimula kaming kumain at tahimik lang ako na kumakain. Minsan kinakausap ako ni Doc Lee pero di ko sya pinapansin. At tingin ko nahalata nya yun dahil  nagtatanong na sya kung okay lang ako.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon