Chapter 26

7K 212 12
                                    

Happy Chantel Choi POV

Dumating ang araw ng pag-alis nila Monique at Papa Cyn. Nakakalungkot kasi dalawa sa kaibigan namin ang lalayo. Naiyak din ako kasi sobrang naging closed talaga kaming tatlo ni Hope at Monique. Kung hindi lang talaga kami busy gusto talaga namin sila ihatid sa Manila kaso may mga duty kami na kelangan naming gampanan.

After namin magpaalam kay Monique at Papa Cyn. Nagtungo muna kami sa Café Bianca para mag coffee. Si Claude at Kuya Harry busy na nag-uusap tapos pag lalapit ako bigla silang tumatahimik.

"Happy, hindi mo ba nakita yung post ni Doc Lee?" Tanong ni Hope.

"Hindi, nakablock sya sakin." Sagot ko.

Lumapit sakin si Hope at pinakita nya yung post ni Doc Lee. Napaawang ako ng makita ko yung picture ko na may hawak na ikebana.  Matipid akong napangiti at parang namiss ko sya. Ilang araw ko din kasi syang iniwasan. Kaso pag dumadaan sa isip ko si Céline nag aalab nanaman yung inis ko.

"Di pa ba kayo magkabati?"

"Hindi, ayoko na rin sya maging crush."

"Pakealamera ka kasi Happy, kung bakit mo ba naman pinakialamanan yung cellphone ni Doc Lee."

"Buti nga pinakialamanan ko atleast na inform pa ako naー"

Bigla kong pinutol yung sasabihin ko kasi ayoko na malaman ni Hope yung detalye kung saan nagmumula ang inis ko kay Doc Lee, tama ng isipin nya na nagseselos lang ako. Syempre kahit ganon si Doc Lee ayoko na isipin nya na sinisiraan ko sya sa mga kaibigan ko. Isa pa hindi appropriate na magkwento ka ng negative tungkol sa isang tao. That's bullshit.

Dumating yung coffee namin, at habang umiinom kami sa Terrace ng Café ay dumating si Bianca kasama nya yung kapatid ni Monique na si Lorraine. Infairness sa lahi ni Monique, ang gaganda nila at ang sexy pa. Pero para sakin itong si Lorraine ang mas sexy kasi sakto yung height nya para sa isang babae at ang liit ng bewang nya. Yung boobs nya may kalakihan din pero bagay sa katawa nya. Gosh! Kung ganyan lang ako kasexy ididisplay ko talaga ang alindog ko.

"Hoy!"

Napalingon ako sa dereksyon ni Claude at Kuya Harry. Sinaway sila ni Professor Kate.

"Mga mata nyo. Kung nakakatunaw lang yan baka natunaw na si Lorraine." Saway ni Professor Kate.

Namula bigla yung muka ni Kuya Harry at napangiti lumipat sya ng pwesto na nakaharap na sa labas. Natawa tuloy ako at napailing.

Maya maya bumukas yung door. Napalingon naman kami at pagtingin ko si Doc Lee. Nagkatinginan kami pero agad kong iniwas yung tingin ko. Kumuha sya ng chair at umupo sya sa tabi ko.

"Chantel, Are you still angry with me?"

Di ako umimik, namiss ko din sya. Sa sobrang pagkamiss ko parang gusto ko tuloy syang yakapin kaso naman gurl, di pwede bawal maging marupok. Dyan tayo naco'control eh.

"Chantel, please.. Look at me in my eye. I am not afraid to make a commitment. I just had priorities before and I really focused on my career, but it doesn't mean na ganon nalang ako. Believe it or not, I felt ready to make a commitment because I finally found you. A girl who changed my perception.

"What about Céline? Bakit ba sya tawag ng tawag sayo?" Kunwari naiinis na tanong ko. Ugh! Hirap magtago ng kilig.

"Because she wants us to get back to the old setup, but I can't do that anymore. I need something different, a meaningful relationship."

Unti nalang bibigay na ako, syet!. Pero pinigil ko parin. Kaso nga lang ng biglang ("uhuy...uhuy") inasar ako ng mga kaibigan namin napangiti tuloy ako.  kaya napayakap nalang tuloy ako kay Doc Lee at natawa.

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now