Chapter 34

6.5K 192 31
                                    

Happy Chantel Choi POV

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng dumating ako sa Paris, pinuntahan ako nila Hope,Monique, Papa Cyn at Professor Kate sa bahay ni Kuya Lennon. Naloloka ako sa mga muka nila mga salubong kilay. Kaya tawa ako ng tawa.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Papa Cyn.

"Ito jontis, narinig mo naman siguro kay Kuya Harry."

"Sino naman?"

"Fvck-buddy.." sagot ko saka ako natawa. Pero deep inside sarap umiyak.

"Paano nangyari?"

Grabe naman tong mga to, todo kung maka-interview. Malamang bumuka ako at nag-jugjugan kami ni Dannielle. Haist..

"Ang pogi eh, kaya ayun, nakalimutan kong magproteksyon." Pagsisinungaling ko.

"Akala ko pa naman, kayo ni Doc Lee."

Di ako nakapagsalita, matipid lang akong ngumiti saka nag-ismid.

"Di ka lang man gumamit ng protection, may condom Happy. Jusmiyo.."Saad ni Papa Cyn na mukang  striktong nanay at nakuha pang puma-meywang sa harapan ko.

"Ganon talaga eh mahal k―"

Lahat sila nagulat at salubong kilay na tumingin saakin. Shit! Buti di ko natuloy. Pero di nakaligtas yung word na 'mahal' kusa talagang lumalabas.

"Charot lang..... aber! Ikaw kaya kumain ng saging na may balat? Masarap ba?"

Napangiwi si Papa Cyn, napailing naman si Professor Kate, habang yung dalawa di yata nag process sa utak nila yung sinabi ko kasi  hanggang ngayon nag-iisip parin sila eh.

"Ginulat mo naman kami, oh edi paano yan magiging mommy kana."

"Yes, sexy, beautiful-cool mom..SWAG!"

"Hay nako Happy, magiging mommy kana kaya umayos kana. Tigilan mo yang kagaganyan mo." Sermon ni Papa Cyn.

Tumayo kasi ako at pinakita ang figure ko. Sexy parin kaya ako, kahit na may unting umbok na yung puson ko. Maya maya lumapit si Kuya Lennon saamin habang may dalang tea. Binigyan nya yung apat ng tea at nag kwentuhan kami. After ni Monique at Hope mag-tea ay niyaya nila ako sa labas.

"Namiss ko kayong dalawa."

"Oo nga, tagal din natin hindi nagkita-kita." Saad ni Monique saka nya ako niyakap.

"Di parin ako makapinawala na nabuntis ka." Si Hope naman na medyo natatawa pa. Napa ismid tuloy ako.

"Ano naman akala mo saakin Hope? Walang matres? Okay na din to atleast magkaka-anak na ako. For sure naman magiging maganda to."

"Bakit? Gwapo ba yung tatay?" Curious na tanong nya.

"Kelan pa ako nagkaroon ng Fvck-buddy na swanget?"

"Hindi nga Happy? Fvck-buddy talaga? Kilala kitang maingat sa ganyang bagay tapos ngayon magugulat nalang kami nagpabuntis ka?"

"Alam nyo, kung ayaw nyo maniwala edi dont, tara na nga lang igala nyo ako dito ng matuwa pa ako sa inyong dalawa."

Hiniram ni Monique yung susi ng car nila ni Papa Cyn. Akalain mo ipagdi'drive kami ni Monique.

"Mag seatbelt ka Happy." Utos ni Hope.

Nagtataka tuloy ako kapit na kapit naman sya masyado.

"Required talaga? Kahit nandito ako sa backseat?"

Tumango lang sya. Hinawakan ko yung seat belt para ikabit. Kaso nagulat ako dahil biglang pinaandar ni Monique ng mabilis. Napasigaw tuloy kami ni Hope ng bongga.

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now