Chapter 33

7.1K 211 40
                                    

Happy Chantel Choi POV

Two Months had passed...

Mula ng makabalik kami galing sa Birthday ng mommy ni Dannielle ay hindi na kami nagkausap pa. Iniwasan ko na sya, blinock ko sya sa lahat, even her contact number. Sa Albany naman palagi ako nagpapa-assigned sa Mortuary para hindi nya ako malapitan. Kaya these past days palagi akong pagod.

"Hi Bianca."

"Oh, Happy good morning. Want coffee?"

"No, di ko trip mag coffee, siguro green tea nalang na may yogurt."

"Huh? Yogurt tapos green tea?" Gulat na tanong ni Bianca.

"Oo, masarap yun." Sagot ko saka ko kinuha ang cellphone ko para tignan kung sino ang nag message.

Napailing si Bianca at saka umalis para gawin ang order ko. Kahapon wala akong duty mahaba ang tulog ko pero ngayon parang antok na antok parin ako. Sumubsob ako sa table at pinikit ko ang mga mata ko. Pero di pa man ako nakakatagal umidlip ay lumapit na si Bianca para ibigay yung order ko.

"Try mo itong maple with cream, bago sa menu."

Nilapag ni Bianca yung maple pero bigla ko yun naitulak dahil maduduwal ako sa amoy non. Napakunot noo si Bianca at agad nyang kinuha yung maple at nilayo saakin.

"May cinnamon ba yung maple? Naaamoy ko kasi."

"Wala.. walang cinnamon yun."

"I'm sorry Bianca, akala ko may cinnamon."

Di umimik si Bianca at inabutan nalang ako ng water. Uminom ako ng unti, feeling ko na-offend si Bianca sa reaction ko kaya tumayo ako at pinuntahan ko sya sa kitchen.
Pagdating sa kitchen agad ko syang hinanap at kinausap. Humingi din ako sa kanya ng paumanhin dahil sa inasal ko at okay naman kami.

"Bianca mauna na ako ah, may duty pa kasi ako."

"Ingat Happy, Goodluck sa work."

Ngumiti lang ako at saka umalis na. Naglakad ako simula sa Café hanggang sa Ospital. Nang nasa Ospital na ako bigla akong nakaramdam ng pagkahilo to the point na parang kahit paningin ko nanlalabo na. Buti nalang may isang nurse ang dumaan at inalalayan ako.

"Doc Choi, magpahinga muna kayo dito. Gusto nyo po ba na magpatest sa blood?"

"Wag na, baka over fatigue langー"

Nahintuan ako sa sasabihin ko at mabilis kong kinuha ang cellphone ko. Tinignan ko yung calendar. Delayed ako! Wala pa akong menstruation. Biglang kumabog ang dibdib ko at nagkaroon ako bigla ng hinala. Pero pinilit kong winaksi yun sa isipan ko. 'It can't be..'

Tinanggal ko yung nakalagay na BP monitor sa braso ko at mabilis akong  tumayo para bumalik sa department ko. Hindi ako pwedeng mabuntis. Kundi paano na? Tanga-tanga ko! Inuna ko yung kalandian tapos di ko lang man inisip na pwede syang...makabuntis...

Pagdating sa mortuary, napagalitan ako ng senior doctor namin dahil na-late ako, nag explained naman ako kaso habang nakatayo ako at nakikinig sa sinasabi nya nahilo nanaman ako. Napakapit ako sa wall at dahan dahan na napaupo hanggang sa nanlabo ang paningin ko at nag blackout.

Nagising ako na nakahiga sa hospital bed. Si Kuya Harry ang unang kong nakita, kasama nya si Claude. Mukang seryoso sila at paminsan-minsan nakakatinginan.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko. Saka ko pinilit na umupo.

"Nasa Gynecology ward ka." Saad ni Claude.

"Huh? Anong ginagawa ko dito?" Napapailing na saad ko. Tatangalin ko na sana yung nakasaksak na IV fluid sa braso nang bigla akong pinigilan ni Kuya Harry.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon