Chapter 13

7.1K 221 16
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

Napakamot ako sa ulo ko, sabay kuha ng baso na may laman na tubig at saka ko yun ininom. Niyaya ko syang Uminom kasi gusto ko magkalimot sa heartaches ko. Pero ngayon ito na naman ako mukang mag-aalaga nanaman ako ng lasing.

Tahimik lang ako dito habang si Ms. Choi walang tigil ang bibig kakwento simula nung bata sya hanggang nag high-school hanggang ngayong buhay nya. Wala pang isang araw na magkasama kami nakwento na yata nya ang buong biography nya saakin.

"Akala mo diko naalala na gumanti ka sa halik ko nung gabi na yun?" Sabi nya sabay inom ng alak.  Naubo ako bigla, may pumasok kasi na peanuts sa lalamunan ko.

Akala ko ba di nya naalala yung mga nangyari nung nakaraan? Bakit nabanggit nya ngayon? Multi-personality? Ibang tao sya pag lasing at iba din pag hindi lasing?

"Ms. Choi. Ikaw kaya yung nauna.."

"Alam ko, pero pag inulit mo na gantihan ako  Doc Lee, tayo na!" Sabay ang taas nya ng baso na may laman na alak.

Natawa ako ng malakas, pero napahinto din ako ng tinignan nya ako at tumayo ito sa kinakaupuan nya para lumapit sakin.

"What?" Tanong ko, saka ako napalunok.

"Halikan mo nga ako? Doc Lee.." Pangte' tease pa nya.

"Ayoko nga.." pagtataboy ko sa kanya.

Inusog ko yung upuan ko palayo sa kanya pero lumapit ulit sya saakin. Napalunok tuloy ako habang nakatingin sa labi nya.

"Paghinalikan kita, akin kana? Tama ba?" Tanong ko. Tumawa sya ng malakas at saka sya tumango.

Muli nyang nilapit ang muka nya sa muka ko, unting distansya lang ang namamagitan saamin. Tinignan ko ang mata nya pababa sa labi nya. Hinaplos ko ang pisnge para halikan sya pero bigla syang lumayo at bumalik sa upuan nya. "Damn!" Bulalas ko saka ako napailing.

"Bukas nalang pag di na ako lasing.." Sabi nya, kaya kinuha ko yung scotch at ininom yun.

Pinaglalaruan yata ako ng babae na  to. Mukang nasa tamang wisyo naman talaga sya at naglalasing-lasingan lang.

"Lasing kana Ms. Choi Tama na yan."  Inagaw ko sa kanya yung bote ng alak sa kamay nya at nilagay yun sa refrigerator. Napa-pout naman sya na parang bata. Mukang ayaw pa nyang tumigil. Tumayo sya at lumapit saakin para makipag agawan sa alak, pero di ako pumayag na ibigay pa ulit sa kanya yun.

"Ang KJ mo talaga! Akin na yan." Saad nya na halatang naiinis.

"Lasengera ka talaga. Tama na yang inom mo diba sabi mo uuwi ka ng 9:00?" Pagpapaalala ko sa kanya pero ayaw parin nya magpapigil. Kaya niyakap ko sya at binuhat ko sya papuntang kwarto.

"Matulog ka nalang kung di ka uuwi." Saad ko. Nakakapagod talaga tong babae na ito. Wala na syang nagawa kundi ang umupo.

"Doc Lee pakihanda nga yung damit ko." Utos nya saakin. Napakunot noo ako. Wala naman syang damit dito.

"Wala kang damit dito." Sagot ko.

"Nandyan oh." Sabi nya saka turo sa closet ko.

"Damit ko yan, wala kang damit dyan." Di na sya nagsalita pa, bagkus  tumayo nalang sya at pumunta ng Closet ko . Agad ko syang nilapitan sinisimulan na kasi nya halungkatin yung mga damit ko na nakatupi ng maayos.

"Ano ba Ms. Choi, ginulo mo na yung mga gamit ko!"

Di talaga sya nakikinig, hanggang sa sa makakita sya ng pink na damit. Agad nyang kinuha yun at tinignan.

"This is my dress.." Sabi nya, saka ito humarap sa salamin at tinignan ang sarili.

Napabuntong hininga na  lang ako. My room now is totally messed up! Imbis na magrelax ako parang nagkaroon pa ako ng madaming trabaho.

Pumunta sya ng banyo para magshower, habang ako nagliligpit ng mga kinalat nya. Pagtapos nya talaga maligo tatawag na ako ng taxi para pauwiin na sya.  Ayoko na dito sya matutulog o magstay pa masisiraan ako ng bait sa babae na ito.

Nang matapos akong maglinis at maghugas, umupo muna ako sa single couch dito sa room ko. Hinahantay ko syang lumabas ng banyo para makatawag na ako ng taxi. Pero lumipas na ang kalahating oras ay di parin sya lumalabas.

Kaya lumapit ako sa banyo at binuksan yun. Nakita ko sya na nakababad sa bathtub habang naglalaro ng bubbles. Hiniihipan nya ito na akala mo bata.

Napatingin sya sa dereksyon ko at ngumiti.

"Join ka? Kasya tayo dito.." Saad nya saka sya tumayo kaya nanlaki ang mata ko ng makita ko ang katawan nya. Napatalikod tuloy ako at mabilis kong sinarado ang pinto.

Napasapo nalang ako sa muka ko. Biglang sumakit ang ulo ko. Pumunta ako sa bed at humiga muna. Ang tagal! Gusto ko na maligo at matulog.

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now