Chapter 17

7.3K 207 22
                                    

Happy Chantel Choi POV

Pagkatapos ng duty ko agad akong nagtungo sa office ni Doc Lee para isauli yung dress na pinahiram nya saakin.

"Doc Lee?" Nakangiting tawag ko sa kanya habang nakasilip sa pinto ng office nya.

"Bakit?" Tanong nya. Tinaas ko ang paper bag na hawak ko at saka yun inabot sa kanya. Sa una napakunot pa ang noo nya. Di ba nya natatandaan yung pinahiram nyang pink dress?

Tinignan nya ang loob ng paper bag at nang makita nya  yung dress Napa-smirked sya.

"Thank you sa pagpapahiram saakin ng dress na yan. Nagsusuot ka pala ng ganyan?" Tanong ko.

"Hindi ako Nagsusuot ng ganitong dress." Sagot nya. Napataas yung kilay ko. Kung hindi pala sya Nagsusuot ng ganyan eh bakit meron syang ganyang ka'kikay na dress?

"Hindi saakin ang damit na ito, kay Céline to, that girl who I told you about?"

"Ah sa kanya pala yan.." matipid na sagot ko saka ngumiti ng matipid.

Naalala ko si Céline, sya yung girl na gusto ni Doc Lee pero nireject nya dahil mas pinipili nya yung carrer. Ewan ko ba pagkarinig ko sa pangalan ni Céline, biglang hindi ko tuloy maipaliwanag yung nararamdaman ko. Napa'ismid tuloy ako.

"Bakit na sayo yung damit nya?" Tanong ko. Curious ako kung bakit nasa kanya yung damit ni Céline.

"Nung dumating ako dito sa Baguio, kasama ko sya. Nagsama kami sa unit ko ng one week. Remember yung araw na kamuntikan kita mabunggo?, yun din yung araw na umalis si Céline pabalik ng Manila." Kwento nya. Napakagat ako sa loob ng labi ko. Parang nakaka'annoyed sa tenga yung name nya. Arrggghh!.

"Uuwi na ako Doc Lee.." Saad ko.

Ayoko na mag'stay ng matagal dito baka lalo lang akong ma'badtrip at baka di ko pa mapigilan ang sarili ko na magtanong ng magtanong sa kanya, baka isipin pa nya na tsimosa ako.

Napatingin sya saakin at saka tumayo.

"Ikaw lang mag-isang uuwi?" Tanong nya. Tumango naman ako at matipid na nag pout.

"Di ka ihahatid ni Doc Claude Villamor?" Muling tanong nya.

Napatingin ako sa kanya habang magkasalubong ang kilay ko.

"Si Claude? Hindi. Di naman nya obligation na ihatid-sundo ako." Sagot ko. Napakamot sya sa nape nya bago nagsalita.

"Wait..I'll go with you."

Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ko binawi ang tingin ko. Ano nanaman bang trip nya? Obviously hindi pa naman sya tapos sa trabaho nya. Pero bakit sya sasama saakin pauwi?.

Naglalakad na kami papuntang parking lot. Tahimik lang kami, Nakasalubong namin si Professor Kate at si Papa Cyn. Agad silang lumapit saamin at nagtanong.

"Uuwi na kayo?" Tanong ni Professor Kate.

"Opo Professor." Sagot ko.

"Sabay kayong uuwi?" tanong ni Papa Cyn.

Nagkatinginan kami ni Doc Lee, saka ko binawi ang tingin ko at bumalik ng tingin sa kanilang dalawa.

"Di kami magkasama, nagkataon lang na nagkita kami dyan sa hallway." Pagsisinungaling ko.

Napatango nalang si Papa Cyn, samantala si Professor Kate naman napangiti.

Sumabay sila saamin maglakad. Pero bago makarating ng parking lot ay humiwalay na ako sa kanila. Ayoko nga na malaman nila na madalas kami magkasama ni Doc Lee. Siguradong aasarin ako ng mga yan lalo na yan si Papa Cyn, Siraulo pa naman yan.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon