Chapter 8

8.2K 256 18
                                    

Happy Chantel Choi POV

"Ma'am Happy, nasa living room po si Doc Lee, hinahantay po kayo."

"Thank you Yaya." Agad kong inayos ang sarili ko. Nag-spray din ako ng unting perfume. Minsan napapa-ismid nalang ako bakit ba masyado akong concern sa look at amoy ko. Di naman sya pumunta dito para amuyin ako.

Bumaba na ako sa sala, pero wala si Doc Lee dun, kaya nagtungo ako sa dining area at nandun nga sya. Mukang niyaya sya ni Mommy at Daddy na sumalo sa dinner.

Naglakad ako palapit sa dining table. At saka umupo sa upuan ko. Nagkukwento si mommy habang kumakain sila. Nandun din si Kuya Harry at si Claude.

"Happy, kumain kana.." Sabi ni Mommy. Tumango naman ako at kumuha ng pagkain.

"Pasensya kana Doc Lee sa simple dinner. Di na kami masyadong nakapag luto, di kasi sinabi ni Happy na babalik ka ngayong gabi."

"Okay lang po, Mrs. Choi." Sagot ni Doc Lee.

"Oh, Don't call me Mrs. Choi, you can call me Auntie Nina." Natatawa pang Sabi ni Mommy habang naglalagay ng soup sa bowl saka inabot yun kay Doc Lee. Nagkatinginan tuloy kami ni Kuya Harry. Halata sa muka ni Kuya ang hiya.

"Alam mo Harry, you should date this kind of a girl" Sabi ni Daddy, habang nakatingin sya kay Doc Lee. "Hindi yung babaeng puro pagsasayaw lang sa tiktok ang alam, this is the most important.." Dagdag nya, habang tinuturo pa nito ang kanyang sintido. Brain.

"Dad.. please.." pagsaway ni Kuya Harry. Napakagat ako sa lowerlip ko. Sh*t nakakahiya yung pinagsasabi ng magulang ko.

Di yata alam ni Daddy na nagtitik-tok din kami ni Kuya. Baka pag malaman nya itakwil kami ni Kuya Harry.

"Ikaw Happy, ang tagal nyo ng magkaibigan ni Claude, bakit di pa kayo magpakasal. Bagay naman kayo at parehas pa kayong Doctor." Nagulat ako sa sinabi ni Mommy at napahawak ako sa dibdib ko. Alam ba nya sinasabi nya?

"Mom! Please stop it! Di pa ako Doctor at isa pa po hindi ko boyfriend si Claude." Pagtataas ko ng boses.

"Auntie Nina, magkaibigan lang po talaga kami ni Happy, parang younger sis ko lang po sya." Sabi naman ni Claude.

"Okay lang yan Claude, kami nga ng Daddy nila seven years ang age gap. Kaya it doesn't matter."

Napailing nalang ako at di makapaniwala sa mga naririnig ko. Tumayo ako, Di ko na kayang tagalan ang usapan na ito. Masisiraan ako ng bait dahil sa mga pinagsasabi ng magulang ko.

"Mom, Daddy, tapos na po ako kumain.." ngumiti si mom, habang si Daddy seryoso ang muka nya, na parang gusto nyang sabihin na "stay." Bahala na mapagalitan mamaya. Basta ayoko nang marinig ang mga sasabihin nila nakakahiya na.

Nagtungo ako sa labas para magpahangin at huminga. Sumasakit ang ulo ko. Nakakahiya talaga. I love my parents, pero nakakainis lang yung mga pinagsasabi nila sa harapan ni Claude at Doc Lee. Ano nalang sasabihin ni Doc Lee? Baka isipin pa nya na weird at crazy ang family ko.

"Hey." Tawag nya. Pero napayuko nalang ako.

"Pasensya kana sa parents ko Doc Lee "

"Hmm.." umiling sya.. "it's okay, di ka parin kumain ng maayos, kanina ka pang lunch.."

"Busog na kasi ako.." sagot ko. ilang saglit lang biglang kumulo yung tyan ko. Napapikit tuloy ako. Kahit sarili kong tyan ayaw makisama at binibisto pa ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

"Unti lang din yung nakain ko, gusto mo ba kumain tayo sa labas?" Napatingin ako sa kanya at napangiti.

"You know what, that's amazing idea. But wait I have to change my clothes first, because I don't wanna look like Sebastian of the little mermaid. Duh.. you know the crab guy?" Natulala sya sa sinabi ko at saka sya natawa, pati tuloy ako natawa sa sinabi ko.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon