Chapter 40

7.8K 201 38
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

The following morning, I woke up alone in bed. I looked at the wall clock and it was nine o'clock. Kaya bumangon na ako para maghilamos at mag toothbrush. Off duty naman ako kaya okay lang na late gumising.

"Good morning Doc Lee, dito ka pala natulog."

"Kaya nga Hope, di na ako nakauwi kagabi anong oras na kasi si Kalie nakatulog."

Kagabi kasi ako ang nagbantay kay Kalie, si Chantel nakatulog ng maaga kaya hindi ko na sya ginising. Natuon ang tingin ko sa labas napansin ko kasi na may mga bata doon. Kaya nagpaalam na muna ako kay Hope para puntahan si Kalie at Chantel.

"Chantel, may gagawin ka ba ngayon?"

"Wala naman bakit?"

"Pwede ba tayong lumabas?"

"Date ba yan Dannielle? Kasi kung nagyaya ka ng date, I'm sorry I'm not available." Asik nya saka nito pinaypayan ang sarili nya.

"Available ka, talagang iniiwasan mo lang ako."

"Sheesh..salamat pala sa pagbantay mo kay Kalie kagabi. Hindi ko na talaga namalayan na nakatulog ako.."

"Okay lang.."

Nilapitan ko si Kalie na ngayon ay nakikipaglaro kay Hunter. Kinarga ko sya at sobrang halakhak nanaman nya, dahil habang karga ko sya pilit na inaabot ni Hunter yung paa nya. As in nakaka-carried away yung tawa ni Kalie.

"Let's go Kalie..sama ka saakin gala tayo."

"Ano ba Dannielle, naglalaro yung bata iniistorbo mo." Saway saakin ni Chantel, nakasimangot na sya habang pinipigilan ako.

"Isasama ko si Kalie sa Condo ah.. mag gagala kami sa Oceana park."

Napakunot ang noo ni Chantel, alam ko na ayaw nya ng idea ko. Syempre pag sinama ko si Kalie mapipilitan din syang sumama saamin.

"Say bye-bye to your cousin, Kalie.." utos ko kay Kalie na sinunod naman nya. Todo pigil si Chantel saamin, napakapit pa sya sa braso ko para pigilan ako pero di naman sya nakapalag na ng sinakay ko si Kalie sa car ko.

"Tigas talaga ng ulo mo Dannielle, sabi ko na nga na hindi diba?!"

"Bakit ba? Para naman makagala si Kalie, hindi yung palagi nalang kayo nasa bahay nila Bianca." Asik ko. Na ikinasimangot nya.

Di na sya nakaimik nang binuksan ko ang engine ng car. Napabuntong hininga nalang sya at nagsabi na kukuha lang sya ng gamit at milk ni Kalie. Kaya lihim akong napangiti.

Nagbiyahe kami papunta ng Condo. Malapit lang naman yung place ko sa bahay nila Kai, kaya hindi din nagtagal ang biyahe, kelangan ko kasi muna umuwi sa unit para makapagchange ako ng clothes ko. Nang makarating kami sa Condo. Tahimik lang si Chantel na tinitignan ang paligid.

"Why Chantel? May naalala ka ba dito?" Nakangising tanong ko. But she gave me a dagger looked.

"Ano ba yang sinasabi mo?" Mataray na saad nya, then she clear her throat.

Mukang na gets nya yung ibig kong sabihin. Syempre dito nagsimula ang lahat saamin. Dito may nangyayari saamin araw araw at alam ko na hindi nya yun makakalimutan. Kung anak ko man si Kalie, malamang dito din namin nabuo yung bata. Napangisi tuloy ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

Naligo lang ako saglit at nagpalit ng damit saka ko sila binalikan sa living room.

"Gusto mo ba mag change ng damit? May damit kapa dito."

"Wag na, okay na itong suot ko. Isa pa bakit di mo pa tinapon yung mga gamit ko? Ang tagal na nyan."

"Malay ko ba. Umalis ako ng pilipinas na nandyan lang yan."

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now