Chapter 29

7.1K 208 42
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

Madaling araw na akong natapos sa Operating room at ng macheck ko ang phone ko agad kong nakita yung message ni Chantel. She said she missed me, kaya napangiti ako.

Sometimes she's kinda sweet, but sometimes kinda weird kaya hinayaan ko nalang sya ganon na talaga sya at kung ano sya yun naman yung nagustuhan ko sa kanya.

Habang naglalakad ako palabas ng Hospital nakasalubong ko si Professor Kate. Mukang dito sya sa Hospital naka duty dahil naka uniform sya.

"Doc Lee, pauwi ka na?" Tanong nya.

"Oo, ang aga mo.."

"Oo nga eh, may kelangan akong i-autopsy."

"Okay  Goodluck sa work, mauna na ako Professor Kate, grabe straight duty ko."

"Ingat, tulog ka maigi halatang pagod ka."

Naglakad na sya palayo kaya nagtungo na din ako sa parking lot. Habang nag didrive ako pauwi ng Condo hindi ko maiwasan ang mapapikit dahil sa pagod at antok. Kaya minsan yung nakasunod na sasakyan saakin bumubusina na.

Inayos ko ang sarili ko at nagfocus sa daan. Ilang saglit pa ay nakauwi ako sa condo. Bubuksan ko na sana yung pinto ng unit ko ng mapansin ko sa lock system na naka-green ibigsabihin naka-unlock sya at possible na may tao sa loob. Ang natatandaan ko naka red ito kanina bago ako umalis.

I entered the unit, and I walked slowly trying not to make a sound. Nakarating na ako sa living at kitchen wala namang tao. Binuksan ko yung pinto ng room ko the I saw someone's lying on my bed. I walk straight to check kung sino sya. It was Chantel?

Napakunot noo ako. Paano sya nakapasok dito? How did she know the password?

"Chan―" I stopped suddenly. Di ko na sya ginising at hinayaan ko nalang syang matulog.

Naligo muna ako at pagkatapos ko maligo at magbihis tumabi na din ako sa kanya. Dahan dahan ko syang niyakap saka napangiti. Ang kulit talaga nitong babae na to, hindi man lang nagsabi na dito sya matutulog.

Habang kinakausap ko ang sarili ko, di ko namalayan na nakatulog na ako.

I woke up alone in bed, napakusot pa ako ng mata ko saka kinapa ang paligid ng bed. Wala sya? Bumangon ako at nagtungo sa living room. She was in the kitchen at mukang naluluto sya. Pinagmamasdan ko lang sya at mukang di naman nya ako napansin.

"Ay! Punyeta! Aray ko!" Pigil na pagsigaw nya habang umiiwas sa fry pan. Nagtatalsikan kasi yung mantika. Gusto ko tuloy na matawa kaso pinipigil ko.

"Ay shit, dumikit? Bakit? hindi ba to non-stick?" Saad nya habang nag iistruggle sa ginagawa nya.

Kinuha nya yung lettuce, nag cut sya mukang gagawa sya ng veggies salad. Nagslice din sya ng cucumber. Kaso naamoy ko na yung niluluto nya. Feeling ko masusunog na kaya hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na sya at agad kong pinatay yung stove.

"You're awake.. I'm going to try to get you something to eat, but I think you don't like it because I'm not good at cooking."

"It's okay, I really appreciate what you did for me. Where did you get this fish?" Tanong ko.

"Ah ayan, sa market kanina habang natutulog ka lumabas ako."

Tinignan ko yung isda, lasog buong katawan, daig pa ang na-autopsy na bangkay. Lihim akong natawa pero di ko pinahalata sa kanya mamaya kasi magtampo sya. Tinulungan ko na sya para makapag lunch na kami.

Tinikman ko yung fried fish, mukang di nya nilagyan ng asin kasi walang alat. Yung kanin hilaw pa, kulang sa water. That was my complimentary na hinding hindi ko pwedeng sabihin sa kanya at dapat ko nalang solohin habang buhay.

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now