Chapter 14

7.5K 220 16
                                    

Happy Chantel Choi POV

Nagising ako dahil sa malakas na tunog na animo'y may bagay na nalaglag. Napahawak ako sa ulo ko habang dahan dahan na bumabangon.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko agad si Doc Lee na nagluluto.

"Good morning Doc Lee." Greet ko sa kanya, pero di nya ako pinansin. Napa-pout tuloy ako. Ano bang problema nya ang aga-aga nakasimangot? Mukang may sapi nananaman yan.

Kinuha ko yung cellphone ko at saka umupo sa sofa. Nag scroll muna ako sa Instagram ko. Nagmessage din saakin si Hope, tinatanong nya ako kung nasaan ako. Kaya nagreply ako sa kanya.

Tumayo ako para magpalit ng damit. Aalis na ako baka ayaw nya na nandito ako, di nga nya ako pinapansin.

"Kumain kana Senyorita.." Saad nya. Di ko tuloy natuloy na buksan yung door ng room.

"Galit kaba saakin?" Tanong ko.

"Hindi, naiinis lang.. kumain kana."

Niyaya nya kasi ako mag-inom kahapon, sinabihan ko na nga sya nung una na ayaw ko dahil may pagka-crazy ako pag nakakainom. Teka ano bang nangyari kagabi?

Nakatitig lang ako sa food habang nagiisip. Ito talaga ang problema ko palagi pag nakakainom di ko naalala ang mga nagawa ko.

"Ano nanaman yang iniisip mo? Di ka ba kakain?"

"Wait lang Doc Lee.. ano bang nangyari kagabi?"

"Same questions again?.. don't ask, just eat." Saad nya sabay ang pag ismid nito.

Napanguso lang tuloy ako at nagsimula ng kumain. Ang sungit nya ngayon ano bang nagawa ko sa kanyang mali at kung pagtarayan nanaman ako.

After namin kumain hinatid nya ako sa bahay. Ayaw nya sana bumaba ng sasakyan pero pinilit ko sya, kasi papagalitan ako pag ako lang mag-isa. Pag nandyan kasi si Doc Lee hindi nagagalit si mommy.

"Uuwi ako agad pagdating ko dyan sa pinto nyo"

"Grabe ka naman, pumasok ka sa loob samahan mo ako. Papagalitan ako nyan eh."

"That's not my problem anymore."

"You invited me to drink, kaya may pananagutan ka saakin."

Napabuntong hininga sya saka naunang nanglakad. Sumunod naman ako sa kanya at saka napangiti. Pagbukas ni Yaya ng pinto agad kong hinanap si mommy.

"Wala po Ma'am Happy nasa shop po."

Nagkatinginan kami ni Doc Lee, tumalikod sya para umalis pero pinigil ko ulit sya.

"Mamaya kana umuwi please." Saka ko hinawakan ang kamay nya.

"What else do you want?" Mataray na tanong nya.

Binitawan ko nalang ang kamay nya at saka sya lumabas ng pinto. Napaismid nalang ako at padabog na pumunta ng kwarto ko.

Nakakainis sya, di ko maintindihan kung bakit palagi syang nagsusungit saakin?
Napaupo ako sa swivel chair ko saka yun pinaikot-ikot ng mabilis.

Maya maya pa narinig ko ang pagkatok sa kwarto ko.

"Happy si Hope at Monique to."

Napahinto ako sa pagikot-ikot at  saka tumayo. Nahihilo ako.
Naglakad ako palapit sa pinto pero na out of balance ako kaya tumama ang noo ko edge ng lamesa.

"Aray!.." sigaw ko.

Agad naman ni Hope at Monique binuksan ang pinto at halata sa muka nila na nagulat.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Monique habang inaalalayan akong tumayo.

"Nahilo lang ako, kasi umiikot ikot ako sa swivel."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hope. Kaya pati si Monique ay natawa na din.

Umupo muna kami sa bed para magkwentuhan.

"Di mo ba gagamutin yung sugat mo sa noo?" Tanong ni Hope habang nakatingin sa noo ko.

"Hindi, okay lang yan.. malayo naman sa bituka." Sagot ko, maya maya naramdaman ko na may mainit na dumadaloy sa noo ko, napakamot pa ako dun. Pagtingin ko sa kamay ko may dugo.

"Hala! Happy dumudugo!" Sigaw ni Monique. Agad akong tumayo at napatingin sa salamin. Bigla akong napasigaw dahil ang daming dugo.

Agad naman akong pinaupo ni Hope habang si Monique napatakbo palabas ng room para tawagin si Yaya. Pagdating ni Yaya halos mataranta din sya kaya tumawag na si Hope ng Ambulance.

Pagdating sa Albany Medical Hospital. Ang sama ng tingin saakin ni Kuya Harry. Pinakwento kasi saakin ni Doc. Bernardo kung paano ko nakuha yung sugat, nagkataon pa na magka-team sila ni Kuya Harry kaya nandun din sya.

"Okay na yan Happy, gagaling na yan. Di naman sya malalim." Sabi ni Doc Bernardo.

"Salamat po Doc Bernardo."

"Para ka pari'ng bata Happy. Pati ba naman swivel chair di mo pinatawad." Pagsesermon ni Kuya Harry habang sinasamahan ako lumbas ng treatment room.

"Wag mo nga akong sermonan dyan. Eh sa gusto ko maglaro dun."

"Ang tanda-tanda mo na yung mga laro mga pang 5 years old pa."

Napaismid nalang ako at saka tumakbo palayo kay Kuya Harry.

"Sige tumakbo ka para pag-madapa ka bumuka ulit yang tahi mo sa noo!" Sigaw nya.

Di ko sya pinansin, tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo. Pagdating ko sa Hospital front nagbayad lang ako ng bill saka ko pinuntahan sila Hope at Monique na naghahantay sa bench sa labas ng Ospital.

"Okay na?" Tanong ni Monique.

"Oo, mababaw lang naman daw."

"Mabuti naman, tara na?" Si Hope na katatayo lang.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Monique.

"Mag-gala nalang tayo sa kabilang City." Sagot ni Hope.

"Ano kaba Hope di yan papayagan si Monique, alam mo naman si Papa Cyn? Baka pag untugin tayo non pag malaman nyang dinala natin si Monique sa malayo."

"Okay lang yun basta wag sasabihin, diba Monique?" Tumango naman si Monique.

Nagkasundo kami pumunta sa kabilang City, doon na din kami mag-lulunch at mag-gagala.

Pagdating namin dun, pumunta kami sa isang restaurant, agad kaming nag-order ng food. Di pa man kami nagtatagal dito ay tumawag na si Papa Cyn kay Monique. Di pa naman si Monique magaling magsinungaling kaya nalaman din agad ni Papa Cyn na nasa kabilang City kami. Kaya ngayon pinapauwi na si Monique.

"Isang reason kaya ayaw ko maging taken? Kasi ganyan. Gala pa naman ako." Saad ko sabay subo ng pagkain.

"Depende lang sa partner yan, si Kate hinahayaan nya lang ako sa gusto kong gawin basta magpapaalam lang ako." Sagot naman ni Hope.

"Pero ayaw ko din naman ng partner na parang wala nang pakialam saakin, gusto ko din yung palagi ako hinahanap." Dagdag ko pa.

Si Monique tahimik lang habang kumakain. Hinila ko yung upuan ko palapit sa kanya.

"Monique, okay ka lang? Wag ka ma-ooffend sa sinabi ko ah."

"Okay lang Happy ano kaba. Tama naman yung sinabi mo. Si Cyn di naman sya mahigpit o nakakasakal sadyang nag-iingat lang sya dahil sa mga nangyari saamin ni Hope nung nagdaang mga buwan."

Napatango ako, nakakatakot din naman kasi yung naranasan nila ni Hope tapos naging eye witness pa sila sa case ni Nurse Trina, kaya simula non medyo humigpit si Papa Cyn at mas lalong pinag iingat nya si Monique. Infairness mahal na mahal talaga sya ni Papa Cyn.

Ako kaya? Kelan ko makikilala yung para saakin? Tagal ko nang malamig, kasing lamig ko na yung mga corpse na in'autopsy ko. Haist.. minsan naiisip ko na din na gumaya nalang kaya ako sa mga kaibigan ko? Baka di talaga ako para sa lalake? Baka pang babae talaga ako.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon