Chapter 4

9K 277 14
                                    

Happy POV

Anong trip nya? Peace offering ba to? Nakatitig ako sa teramisu cake na pina-serve nya sa table ko. Tinikman ko yun, 'ang sarap'..saka napaismid. Susubo ulit ako ng mapahinto ako at itinulak ko yung cake palayo saakin saka kinuha ang glass of water para uminom. After kong ubusin yung tubig at agad kong kinuha ang bag ko.

Tumayo na ako para magbayad pero sinabi sakin ni Christine na bayad na yung food ko. Napakunot noo tuloy ako. Bakit nya binayaran yung bill ko? Napangisi ako.. did she realized how cruel she was? No! Baka she was possessed by a ligaw na kaluluwa na pagala-gala sa Hospital. Natawa pa ako. Kung ako yung kaluluwa di ako sasapi sa kanya.

Bumalik ako sa Hospital para mag assist sa Diagnostic Radiology Resident. Buti nalang mabait yung doctor na kasama ko dito. Tinuturuan din nya ako kung paano bumasa ng CT scan at MIR.

"Nakikita mo ba yung parang shadow?"

"Saan po?"

"Here.." saka nya tinuro yun. This is a hemorrhage cause by a trauma impact." Napatango ako habang tinitigan yun ng maigi..syempre sinulat ko agad sa pink notebook ko, bagong natutunan lang ganern.

Natapos ang isang buong araw ko sa dito sa Ospital, pumunta muna ako sa office ni Doc Lee para ipasa ang report ko, pero kagaya ng kahapon wala nanaman sya dito. Kaya umupo muna ako sa upuan at nilabas ko yung apple na nasa bag ko saka yun kinain.

Habang kumakain ako biglang bumukas ang pinto at agad akong napatingin sa kanya.

"Are you finished?" Tanong nya.

"Obvious ba?" Pilosopong sagot ko.

Tumayo ako at saka lumapit sa table nya sabay ang kagat sa apple.

"Mahilig ka din sa apple?" Tanong ulit nya. Napaismid ako, tanong naman ng tanong itong tao na ito.

"Hindi naman pero kelangan ko kumain ng apple ngayon." Sagot ko.

"Bakit? Nagdidiet?" Tanong nya habang tinitignan nya yung report ko.

"Hindi ako nag Didiet.. Kaya ako kumakain ng apple kasi to keeps the doctor away.." sagot ko habang nakataas ang kilay. "Tanong ng tanong.." bulong ko, Napatingin sya sakin kaya tinarayan ko sya.

"Okay, pwede kana umuwi." Sabi nya, napabuga ako ng hangin at mabilis kong kinuha ang bag ko saka lumabas ng office nya.

Kaloka naman yang Doc Lee na yan, tsimosa din talaga pati ba naman pagkain ko ng apple kelangan ko pang ipaliwanang? Napaka ano!

Habang naglalakad ako palabas ng Albany Hospital, napatingin ako sa wrist watch ko. "Fvck! Late nanaman five minutes lang akong maaga since the day na nagstart ako dito."

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kuya Harry, magpapasundo ako mahirap kasi makakuha ng taxi o kahit tricycle pag ganitong araw. Today is Friday, usually pag Friday asahan mo na ubusan ng taxi at Tricycle, Ewan ko ba kung ano meron sa araw na to at parang ang busy ng mundo.

Hindi sumagot si Kuya Harry, baka nasa loob sya ng OR, ganon kasi sya. Nag message ako kay Dad, pero sinabi nya na busy sila ni Mommy. So no choice ako kundi nguma-nga ng slight habang naghahantay ng taxi.

Nakaka 30 minutes na ako na nakatayo dito, pero wala parin, humahaba na din ang pila, yung iba nga naglakad nalang ayaw na yata maghantay.

"Ang tagal dumating ng taxi no?"  Napaangat yung muka ko. Napaismid nalang ako ng makita ko kung sino yung nagsalita.

"Bakit ka nandito?" Mataray na tanong ko. Tinignan ko pa yung ibang mga tao na nasa pila, kasunod ko lang sya. As in nasa likuraan ko lang.

"Naghahantay ng taxi." Sagot nya habang nakatingin sya sa malayo.

Di ako umimik. Basta nag crossed arm nalang ako at medyo lumayo. Kaloka naman yan, ano ba sya? May super power na teleport. Iniwan ko lang yan sa office nya tapos ngayon nandito na sya agad, at kasunod ko pa talaga sa pila. "This human is unbelievable!"

"May taxi na." Napatingin ako sa parating na taxi at saka napangiti.

Buti naman at gusto ko na talaga umuwi. Paghinto ng taxi ay agad kong binuksan yung pinto sa backseat at saka sumakay. Pero nang isasara ko na nagulat ako dahil pumasok din sya sa taxi.

"Why?" Nagtatakang tanong ko, habang salubong ang kilay ko na nakatingin sa kanya.

"It takes really long time before the taxi arrives, so mauna kana, after mo ako naman magpapahatid kay manong."

No! No! Di ako papayag na makasama ko itong tao na to sa taxi. Medyo umusog ako at saka sya pinangliitan ng mata.

"Get out..." napakunot ang kilay nya at saka bumaling sakin ng tingin.

"What?" Tanong nya. I just rolled my eyes and flip my hair. Medyo inayos ko din ang upo ko.

"I said Get out!"

"No..." agad na sagot nya, saka sya tumingin sa rear view mirror at sumenyas kay manong na umalis na.

"What the hell is your problem, you goddamn!" Galit na saad ko.

Tahimik lang sya, at nakatingin lang sa unahan na akala mo ay walang naririnig.

"Ma'am saan po ba?" Tanong ng txi driver.

"Kuya paki hinto muna yung taxi please.." utos ko. Agad naman na itinabi ni manong yung taxi saka hininto.

Agad din ako na bumaling ng tingin sa kanya, saka sya tinulak sa braso. Agad naman nyang hinawakan ang kamay ko para pigilan ako pero nauwi sa away ang eksena na yun.

"Bwisit ka! Lumabas ka ng taxi ko!" Sigaw ko sa kanya.

"This is not your taxi." Sagot nya pa, kaya mas lalo akong nabwisit. Tinulak ko ulit sya pero ayaw nya talagang lumabas. Nagsasagutan kami at nagtutulakan dito sa loob ng taxi ng bigla kaming pinalabas ni Manong sa taxi nya at saka sya mabilis na umalis.

"Tignan mo ginawa mo, paano ako makakauwi nito?" Naiinis na saad nya, sabay ang pagkamot nya sa batok nya.

"Kasalanan mo kasi ang epal mo din, taxi ko yun bakit ka sumabay?!" Di sya umiimik, bagkus tinignan lang nya ang wrist watch nya.

"You're a fvcking nightmare.." mahinang saad nya, pero narinig ko naman kaya kinuha ko yung candy sa bulsa ko at binato sa kanya. Nakasimangot syang tumingin sakin.

"What did you just say? a fvcking nightmare? Wow ah! Ang ganda ko namang bangungot!" Sigaw ko, sabay ang pagkuyum ko sa kamay ko. At nagsimula akong maglakad na may kasamang pagpadyak. Kelangan kong maghanap ng masasakyan, kung tutunganga ako dun at makikipag away lang sa kanya baka bukas na ako makauwi ng bahay namin.

Habang naglalakad ako, nagsimula ng kumulog. Kung minamalas ka nga naman oh!. Umulan na nga kaninang hapon pati ba naman ngayong gabi. Lumingon ako sa likuran ko wala na si Doc Lee. Buti naman at nilubayan na nya ako. Ilang saglit lang napahinto ako sa paglalakad dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Tinignan ko ang paligid sabay napapikit. Syet! Nasa lugar pa ako na walang masisilungan dahil tulay pala itong linalakaran ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"A-ang lamiigg..." sambit ko habang yakap-yakap ang sarili. Bago pa ako makarating sa dulo ng tulay may taxi na huminto at may taong lumabas mula sa backseat. Hinawakan nya ako braso at sapilitang pinapasok sa taxi.

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now