Chapter 28

6.9K 194 17
                                    

Happy Chantel Choi POV

Pagkatapos ng duty ko, nagpunta ako sa office ni Doc Lee. Sinilip ko yung loob ng office nya pero walang tao. Sayang gusto ko pa naman sya yayain na mag dinner. Busy yata sya.

"Ehem.. what are you doing here gorgeous?"

Humarap ako, at nang makita ko sya ay napayakap ako sa kanya. Napatingin pa sya sa paligid bago nya ako hinila papasok sa office nya. Siguradong paguusapan kami pag may makakita saamin.

"Kumain kana? Sabay tayo mag dinner."

"Sige, sakto katatapos ko lang mag opera." Sagot nya.

Kinuha nya yung wallet nya at cellphone saka kami sabay na naglakad papunta ng restaurant.

"Tapos na ba yung duty mo?" Tanong ko.

"Hindi pa, mamayang 11:00pm may pasyente pa ako."

"Ang busy mo ngayon." Saad ko saka napa-pout.

"Yes, madaming pasyente. Ikaw ba?"

"Sakto lang.. pero mas okay na yun ibig sabihin unti lang ang crime." Saad ko.

"Sabagay."

"Oo nga pala, thank you sa bouquet, super cute. I love it."

"Alam ko naman na basta pink maganda na sa paningin mo." Nakangiting saad nya. Saka nya hinawakan ang kamay ko.

"Of course, the color of my life."

Nakarating kami sa restaurant, nag order kami ng food.

"Dapat madami kang kainin ngayong dinner kasi may duty ka pa mamaya."

"Hmmnn.. I don't want to, ang hirap kaya mag diet."

"Hmmp.. bahala ka dyan kainin mo ito lahat."

Saka ko nilagyan ng madaming kanin yung plato nya.

"Chantel that's a lot." Pagpigil nya saakin.

"Dalawa naman tayo kakain nito." Saad ko. Kaya hinayaan nalang nya ako. Napangiti  pa sya kasi gusto nya palagi kami magkashare ng food. Ayan ang hilig nya kaya pagbibigyan ko na sya. Tutal may pa bouquet naman sya kaninang umaga at dahil dun super kilig tuloy ako.

After namin kumain bumalik kami ng Albany at agad akong pagpunta sa parking lot, tinawagan na din kasi si Doc Lee ng resident nya. Sabi nya kelangan na sya ng team nya. Pagdating ko sa parking lot nakita ko si Kuya Harry na naghahantay kung saan naka-park yung car ko.

"Kuya Harry, kanina kapa dito?"

"Di naman, inom tayo sis."

"Sige Kuya, pero wala ka bang duty bukas?."

"Wala, day off ko. Kaya pwede akong uminom ng alak." Paliwanag nya. Tumango naman ako at matipid na ngumiti.

In'unlock ko ang car at sumakay si Kuya sa passenger seat, ganon din ako. Nag drive ako papunta sa bar na madalas namin na puntahan nila Claude at friend din nila kuya Harry ang may-ari ng bar kaya dito talaga kami madalas uminom. Pagdating namin sa bar kumuha lang kami ng table at agad na nagorder ng drinks at nagsimulang uminom.

"Parang gusto kong sumayaw, nakakainggit sila." Saad ko, habang nakasalong baba ako na nakatingin sa mga taong sumasayaw sa dance floor.

"Sus Happy, ayan ka nanaman. Wag mo na subukan."

"Grabe ka naman Kuya, ikaw din naman sumasayaw."

"Atleast magaling akong sumayaw, eh ikaw? Muka ka kayang bulate na inasinan."

Napaismid ako. Ang ano talaga nyan ni Kuya Harry porke magaling syang sumayaw palagi nyang binubully yung dance move ko. Palibasa Dancer sya ng Albany dati at talagang sikat ang dance group nya.

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now