Chapter 27

6.7K 186 15
                                    

Happy Chantel Choi POV

Maaga palang bumangon na ako. Mas maaga ito sa usual time ng bangon ko. Naligo agad ako at nag ayos ng sarili. Pakanta kanta pa ako habang nakatingin sa salamin.

"Gurl, you look fabulous.." saad ko sa sarili ko habang nakapout at nagpopose sa harap ng salamin.

Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ko, bumaba na ako para mag almusal. Nakita ko si Kuya Harry na kumakain ng breakfast.

"Good morning Kuya."

"Morning." Matipid na sagot nya.

Hinila ko yung upuan sa tabi nya at saka nag almusal.

"Okay ka lang? You look neg."

"Anong neg?"

"Negative vibes."

Napailing sya at saka sumubo ng tinapay. Kawawa naman itong kapatid ko minsan na nga lang mainlove mukang may malaking hindrance pa.

"Ano ka ba kuya, kung gusto mo talaga si Lorraine push mo. Ako nga diba? Pag malaman ng parents natin na lumalandi ako kay Doc Lee siguradong una ako sasakalin ni Daddy."

"Ang hirap kasi sa magulang natin di tayo hayaan na maging masaya. Kagabi kinausap ako ni Daddy. Inabutan ko lang ng water si Lorraine ang dami na nyang sinabi. Alam daw nya na gusto ko si Lorraine tapos sabi pa nya na kung may balak akong asawahin si Lorraine wag ko na daw ituloy dahil hindi nya matatanggap."

"Wow! Advance masyado. Di ka pa nga nanliligaw."

"Sabi ni Dad, ayaw nya sa anak ng mistress."

Napahinto ako sa pag nguya.

"Sinabi ni Dad yun?" Tanong ko.

"Oo."

"Grabe naman si Daddy, eh si mommy anong sabi?"

"Wala, nakikinig lang. Alam mo naman yun kung anong sabihin ni Daddy, oo nalang yun."

"Omg!"

Napakamot ako sa ulo ko kahit hindi makati. Nakakaloka ang daddy. Kinakabahan tuloy ako, paano pag malaman yung about saamin ni Doc Lee? Patay na ako. Buti nalang nakatapos na ako ng pag aaral kaya mabubuhay ko na yung sarili ko.

"Good morning."

Si Daddy at si Mommy na ngayon ay kararating lang. Umupo sila at nag-utos sa maid na ipaghanda sila ng breakfast. Di na din kami nagsalita pa ni Kuya Harry kasi nandito na sila.

"Ikaw Happy? May boyfriend kana ba?" Tanong ni Daddy.

"Wala nga po Dad."

"Ayusin mo ang pagpili ng lalakeng mapapangasawa mo. Dapat maayos ang background dahil hindi lang apelyedo ang dadalhin mo kundi pati ang buong pagkatao ng magiging asawa mo. Kung ano sya nakilala ng mga tao, ganon na din ang magiging tingin sayo."

"Opo Daddy." Matipid na sagot ko.

"Ikaw Harry, tigilan mo yung Lorraine na yun. Madaming babae dyan. Hindi kita pinag doctor para lang pumatol sa anak ng mistress."

"Daddy! Can you just stop na tawagin si Lorraine na anak ng mistress? Di naman nya pinili na maging ganon ang magulang nya!."

"Dahil sa mga maling ginagawa ng magulang, ang anak ang nagsusuffer ng karma. It is her fate and it cannot be changed."

Tumayo si Kuya Harry at aakma na itong aalis pero tinawag sya ni Daddy at inutusan na bumalik sa upuan nya.

"Nagagalit ka saakin dahil sa mga sinabi ko sa babaeng yun? Mukang malalim na yang pinagmumulan nyan Harry Christian Choi."

Tumayo si Daddy at naglakad ito palapit kay Kuya Harry. Napatayo ako dahil natakot ako. Lumapit ako kay mommy. Si Kuya Harry nakatayo parin sya habang nakatitig kay Daddy. Nang makalapit si Daddy kay Kuya Harry bigla nya itong sinuntok sa pisnge at di pa na kontento si Daddy sinuntok pa ulit nya si Kuya sa tyan kaya napaluhod si Kuya Harry.

Napasigaw naman si mommy para pigilan si Daddy. Nilapitan naman namin si Kuya, sobrang naawa ako sa kanya.

"Subukan mo pa na taasan ako ng Boses Harry, hindi lang yan ang matitikman mo sakin!."

"Harold tama na, wag mo naman saktan si Harry." Naiiyak na saad ni Mommy.

"Mommy, aalis na kami. Sabay na kami ni Kuya papasok sa work." Saad ko. Kelangan kong ilayo si Kuya dito kundi baka kung ano pa magawa ni Daddy sa kanya.

Niyaya ko si Kuya Harry na umalis na. Sinamahan ko sya sa sasakyan ko at pagkatapos binalikan ko yung mga bag namin.

"Kuya, dumaan tayo sa Café, gagamutin ko yang sugat mo. Mukang malaki yung sugat mo sa labi." Nag aalalang saad ko habang nagdi'drive.

"It's exhausting to be controlled all the time. I'm sick of that fvcking house."

"Parehas lang mainit ang ulo nyo ni Daddy, lilipas din yung mga galit nyo Kuya."

Ilang saglit lang nakarating na kami sa Café. Nagtungo ako sa counter para humiram ng first aid kit at cold bag kay Christine at binigyan naman nya ako.

"Good morning ate Happy." Nakangiting greet ni Lorraine. Mukang kararating nya lang at ngayon yata ang first day nya sa Café.

"Good morning Lorraine." Matipid akong napangiti.

"May sugat ka?" Tanong nya, napatingin kasi sya sa hawak kong first aid kit.

"Ah, hindi ako. Si Kuya Harry."

Napatingin sya sa paligid mukang hinahanap nya si Kuya Harry. Nang makita nya si Kuya sa gilid habang nakaupo ay naglakad sya palapit dito. Sinundan ko naman sya.

"Napaaway ka ba?" Tanong nya kay Kuya.

Pero umiling lang si Kuya Harry. Kinuha ni Lorraine yung first aid kit sa kamay ko at ginamot nya yung sugat ni Kuya Harry. Matipid nama'ng napangiti si Kuya Harry habang nakatitig sya sa muka ni Lorraine.

Aw! Mukang natamaan talaga ng pag ibig si Kuya Harry.

"Sa susunod, mas maganda na tumahimik ka nalang kaysa sa sasabayan mo yung galit ng iba." Saad ni Lorraine.

"Naintindihan ko." Sagot ni Kuya Harry. Nakaupo ako dito habang pinapanood sila.

"Bagay mo yung uniform mo" compliment ni Kuya Harry.

"Salamat.. okay na, mag cold compress ka nalang sa pisnge mo para mag subside yung pamamaga."

Napangiti naman si Kuya. "Thank you Lorraine."

"Pag may time ka ng lunch, dumaan ka dito. Bibilhan kita ng Ice cream." Nakangiting saad ni Lorraine.  Ngumiti din si Kuya Harry at nagkatitigan sila.

Omg! Kinikilig ako para akong nanonood ng Romance movie. Infairness para paraan din tong si Kuya Harry. Eh alam ko naman na  surgeon sya at alam nyang gamutin ang sarili nya pero nagpagamot pa talaga sya kay Lorraine.

"Salamat Lorraine."

"You're welcome ate Happy." Sagot nya saka ito ngumiti at nagtungo na sa kitchen.

Pumasok na kami ni Kuya sa Hospital. Pagdating ko sa Unnatural Death Morgue napansin ko na may bouquet ng pink bulaklak sa ibabaw ng table. May card din yun na kasama. Napangiti nalang ako ng makita ko yung name ni Doc Lee. Pinicturan ko yung flowers at pinost ko yun sa Instagram. In'unblock ko na din sya para makita nya na pinost ko yung flower na bigay nya. Nagtext din ako sa kanya para magthank you at mabilis naman syang nagreply ng heart emoji. Kaya habang kinukuha ko yung AFIS (finger print) ng mga corpes. nakangiti tuloy ako sa malamig na bangkay na nasa harapan ko.

Code Blue: Love (INTERSEX)Where stories live. Discover now